Ian Veneracion, bida sa international action-drama series ‘One Good Day’

Muling nagbabalik-aksyon ang aktor na si Ian Veneracion.

Ian Veneracion, bida sa international action-drama series ‘One Good Day’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2022 01:12 PM
Ian Veneracion, bida sa international action-drama series ‘One Good Day’

Balik aksyon ang aktor na si Ian Veneracion na bibida sa action series na One Good Day

Sa isang panayam ng PUSH at entertainment press, ibinida ng aktor ang kanyang upcoming series na mapapanood sa digital streaming platform na Amazon Prime starting this November 17. 


“It’s a six part series. The first drop ng series will be on November 17 and we shot in Iloilo, lahat doon namin ginawa, and action-drama pero grabe ang aksyon nito, kakaiba. So we are really proud to present this para maibida rin natin sa ibang countries, hindi lang sa mga kababayan natin. Kasi when you say Philippines sa foreigner, ang nasa isip nila slums, busy streets. Pero ito, the old rich, culture, mga hacienderos and the ultimates, and the different sides and scenes. I made many action movies before so, ito is parang going back home where I am comfortable doing the action scene,” bungad ng aktor. 

Gaya ng pagbabalik-aksyon in Ian, proud rin ang direktor nito na si Lester Pimentel Ong na nakilala sa kaniyang mga matatagumpay na action drama series sa Kapamilya network, tulad na lamang ng bagong Kapamilya series na The Iron Heart ni Richard Gutierrez.

Ayon kay Ong, level up action drama series at handang sumabay sa international audience ang kanilang proyekto. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Number one, we wanted to level up the quality of action movie or series here in the Philippines. We wanted to catch up with amongst our neighbors. Kasi for us, the only way we can survive as an industry is to interact with more viewers with our content, our film, our series. Kasi if we don’t go out of the Philippines, we are facing the very dangerous situation kasi siyemre nag-iiba ang panahon, nag-iiba ang bagay bagay. So what we aspire to do here is to level up the quality of the narrative, level up the quality of technical aspect of the film, like cinematography, the sounds. and of course, the content. We wanted to catch up with the rest of the world when it comes to the action quality,” ayon sa direktor. 

World class talented stuntmen rin ang kanilang naging kasama sa pagbuo ng maakasyong series.

“We have very good actor here, but one good actor cannot be everything in the film. So for the stunt men, we’ve been training to perform high level of stunts and skills, and all hisgh level of quality because they are the one who can deliver it for the actors. And if the actor is good and the stunt men are not, then hindi natin siya ma-achieve,” sambit pa ng direktor. 

Naniniwala naman si Ian world class and leveled up scenes ang kanilang ibabahagi sa mga manunuod ng action-drama series.

“I trained with the stuntmen sa gym. I trained for few weeks para lang ma tancha namin ang mga movements for several weeks. And I am happy na happy naman si direk kasi kaya pa naman. Kasi doon naman naka-base lahat ng stunts and movements sa capabilities ng actor.,” ani Ian. 

Motivated rin aniya ang aktor sa mga napanood niyang mga action-drama series sa kaniyang pagbabalik-aksyon. 

“At first, it is good. It makes us better in what we do and I do really believe in Filipino talent. We have good writers, directors and actors na puwede mong ilaban world class kahit sa Hollywood. Kailangan lang niyan, budget. Kung bibigyan tayo ng budget like ng Hollywood movies, imagine what we can come up with, and like now, we finish movies sa napakaliit na budget pero kung titignan mo, yung budget ng Hollywood, kung bibigyan tayo ng ganun, ang dami nating magagawang maganda,” pahayag ni Ian. 

Matatandaan na taong 1996 nang pagbidahan ng ni Ian ang action movie na Ben Balasador: Ang Huling Alas kasama si Beth Tamayo at ang namayapang aktor na si Mark Gil.