• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Carla Abellana na matagal na silang walang komunikasyon in Tom Rodriguez.

Carla Abellana on moving on kay ex-husband Tom Rodriguez: ‘You don’t unlove someone overnight’

Inamin ni Carla Abellana na matagal na silang walang komunikasyon in Tom Rodriguez.

Carla Abellana on moving on kay ex-husband Tom Rodriguez: ‘You don’t unlove someone overnight’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/18/2022 08:55 AM
Carla Abellana on moving on kay ex-husband Tom Rodriguez: ‘You don’t unlove someone overnight’
Photo credit to @carlaangeline and @akosimangtomas Instagram

Carla Abellana finally broke her silence tungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ng estranged husband na si Tom Rodriguez. Ilang buwan ding nanahimik ang aktres pero sa isang podcast interview ni Nelson Canlas na in-upload sa Spotify nitong November 14, 2022 ay isiniwalat ni Carla ang dahilan ng lahat.

“Hindi po siya isang bagay lang, kasi madami. Madami pong dahilan na hindi po mababaw, hindi ganu’n kadali. Hindi iisang bagay lang. Talagang maraming reason as to why,” pahayag ni Carla nang usisain ang tunay na dahilan ng break-up nila ni Tom.

Sa tanong kay Carla kung nag-reach out ba sa kanya si Tom after ng kanilang hiwalayan ay hindi naman daw.


BASAHIN: Carla Abellana, naging bukas sa kanyang personal na buhay: ‘Siguro parang time na magsalita’

Saad ni Carla, “No, no. The last time na nakita ko siya was in February of this year. I believe he flew to the United States nung March, nalaman ko sa manager namin because we have the same manager. But since then, no. No phone calls, no text messages – nothing.”

Wala rin daw komunikasyon ang kanilang mga pamilya.

“Since then, wala talaga ever since. So, it’s been what? More than six months na walang ganung communication. Dahil hindi na rin naging maganda yung mga nangyari, eh.

“Seryoso na talaga, ibang usapan na. Lawyers are already involved. Umabot sa point na yung lawyers na lang ang nag-uusap,” wika pa niya.

Aminado si Carla na hindi talaga naging madali para sa kanya ang mag-move on sa nangyari lalo pa nga’t matagal din silang naging magkarelasyon ni Tom.

“Ang hirap. Ang abrupt, di ba?” pagtatapat niya.  “You don’t unlove someone overnight lalo na you’ve been with someone for years, many years. Ang tagal bago masanay ’yong katawan, masanay yung mind,” dagdag pa niya.

“Imagine your habits, nag-form na yan around this person. Parte na yan ng buhay mo, ng everyday life mo. Ang hirap na may nangyayari sa body. Ewan ko ba, cellular, biological level—I don’t want to go to the technicals but, yeah.

“Sa Psychology seryoso yon na talagang maninibago yung katawan, yung puso, even your brain, na magkakaroon talaga ng changes because hindi mo rin naman puwede turuan yung katawan mo—mind, heart na, ‘Ops, hindi mo na siya love,’ di ba? ‘Ops, wala na, delete na.’ Yung ganun. Hindi mo siya matuturuan,” patuloy niyang pahayag.

Napabalitang divorced na sina Carla at Tom nitong June 2022 pa pero ano nga ba ang totoo rito?

BASAHIN: Carla Abellana urges everyone to help animals in need during typhoons

Ani Carla, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na talagang divorced na sila ng ex-husband. 

“Hindi pa. You know why? Because divorce doesn’t exist in the Philippines. Alam naman natin yan. Either legal separation lang yan or nullity ng marriage. Dahil ang divorce, wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito, parang hindi pa siya fully nagsi-sink in. Sa ibang bansa prinoseso, eh.

"It was processed in the United States, di ba, kung saan existing ang divorce. Pero dito kasi hindi. Of course, iba yung ating legal system dito. So technically, kumbaga, yung mind ko fully aware naman na, ‘Yes, divorced, technically. When I go to the United States, divorced ako doon, single ako ulit, I am free.’ Yung ganu’n ba.

“Pero parang dito hindi, eh. So, I don’t know. Maybe sa akin lang yon, sa mind ko lang yon,” paliwanag ni Carla.

Matatandaang ikinasal sina Carla at Tom noong October 2021 pero nagkahiwalay din noong January 2022.