• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagama't hindi diretsang sinagot, tinawag na fake news peddlers ni Neil Arce ang mga nagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila ni Angel Locsin.

Neil Arce, binasag ang katahimikan sa gitna ng umano’y isyu ng hiwalayan nila ni Angel Locsin

Bagama't hindi diretsang sinagot, tinawag na fake news peddlers ni Neil Arce ang mga nagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila ni Angel Locsin.

Neil Arce, binasag ang katahimikan sa gitna ng umano’y isyu ng hiwalayan nila ni Angel Locsin-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/17/2022 08:57 PM
Neil Arce, binasag ang katahimikan sa gitna ng umano’y isyu ng hiwalayan nila ni Angel Locsin
Photo credits: @therealangellocsin on Instagram

Nagsalita na ang mister ni Angel Locsin na si Neil Arce kaugnay sa isyu ng umano’y hiwalayan nila ng aktres. 

Sa ulat ng ABS-CBN Entertainment reporter na si MJ Felipe, pinabulaanan ni Neil ang mga fake news na kumakalat tungkol sa kanilang dalawa. 

Ani Neil, donasyon na nila sa mga gumagawa ng mga fake news ang kikitain ng mga vloggers sa paggawa ng fake news tungkol sa kanila. 


"Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake news peddlers yang kikitain nila sa pagpakalat ng fake news,” saad ni Neil. 

Banat pa ni Neil, naaayon sa mga followers at subscribers ng mga fake news peddlers ang ginagawa nilang content para sa kanila. 

“Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan,” ani Neil. 

Nauna nang sinagot ni Dimples Romana sa panayam ng ABS-CBN News at PUSH tungkol dito. 

Ani Dimples, deserve ni Angel ang break sa limelight lalo pa’t na-earn na umano niya ito. 

“But I think, kung mayroon man, I think ang dami nang nagtatanong sa akin parang pang-ilan na kayo, kung mayroon man, ibigay na natin ang privacy na ‘yun, ibigay na natin ‘yun sa kanya. And I think na earn na ni Gel ‘yung ganun klase ng luxury ‘yung time and privacy with Neil,” ani Dimples. 

READ: ‘Nasan nga ba si Angel Locsin?’: Dimples Romana, sinagot ang tanong ng netizens

Nilinaw din ni Ogie Diaz sa isang vlog na pinili muna ni Angel na iwasan ang social media. 

"Pinili muna ni Angel na talagang um-absent sa social media,” ani Ogie. "Gusto nga ni Angel Locsin ay habaan pa."

Pinabulaanan din nito ang isyu ng hiwalayan at sinabing: "They are very much together."