• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilinaw nina Alex Gonzaga at Vicki Belo ang kanilang naging pahayag na ini-snub sila ni Heart Evangelista sa Milan, Italy.

Biro lang? Alex Gonzaga, Vicki Belo, nilinaw ang isyu na ini-snub umano sila ni Heart Evangelista

Nilinaw nina Alex Gonzaga at Vicki Belo ang kanilang naging pahayag na ini-snub sila ni Heart Evangelista sa Milan, Italy.

Biro lang? Alex Gonzaga, Vicki Belo, nilinaw ang isyu na ini-snub umano sila ni Heart Evangelista-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/17/2022 12:19 PM
Biro lang? Alex Gonzaga, Vicki Belo, nilinaw ang isyu na ini-snub umano sila ni Heart Evangelista
Screenshot from Dr. Vicki Belo YouTube Channel

Nilinaw nina Alex Gonzaga at Vicki Belo ang kanilang naging pahayag na umano’y ini-snub sila ni Heart Evangelista sa Milan Fashion Week sa Milan, Italy. 

Nagsimula ang lahat nang ikuwento ni Alex sa isang vlog kung paano nakikilala ang bansa pagdating sa mundo ng fashion dahil sa mga gaya nina Vicki, Heart, at Liz Uy. 

“Did you take note? Heart and me in the same sentence,” sambit ni Vicki sa naging pahayag ni Alex. 


Kasunod nito, sinabi ni Vicki na ini-snub umano sila ni Alex sa Milan Fashion Week — bagay na pinaniwalaan ng maraming fans. 

READ: Did Heart Evangelista snub Vicki Belo and Alex Gonzaga in Milan?

“Pero hindi tayo pinansin ni Heart,” sagot ni Vicki. “Hoy Heart!” dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Vicki, hindi sila kinausap ni Heart bagama’t nakaupo lang sila sa isang hilera.  

“Mars,” saad ni Vicki. “We’re on the same fashion show hindi ka man lang na-hi.” 

“Di ba nandoon kami sa Gucci?” sambit pa ng beauty doctor-to-the-stars. “Front row din tayo ‘di ba.”

Ani naman ni Alex, hindi niya inaasahang ii-snubin siya ni Heart lalo pa’t magkakaibigan sila at sinuportahan din umano niya ang mga proyekto ng aktres gaya ng Hiram, Panday, and Luna Mystika.

“Heart, ano ’to mars? Sa Manila magkakaibigan tayo,” ani Alex. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Matapos lumabas ang iba’t-ibang balita tungkol dito, nagsalita si Alex sa Facebook at sinabing wala umano itong katotohanan. 

“Ay.. Hindi po kami nagkita sa Milan biruan lang po namin yan ni Dra. if you watch the whole vlog. Heart is nice since Pangarap na Bituin circa 2007 pa po sa’kin at magkaibigan kami. Hindi na dapat ginawang news mga ganito,” ani Alex. 

Sa isa namang Instagram Live video, sinabi ni Vicki na hindi hindi ito totoo dahil hindi naman umano sila nagkita ni Heart doon. 

“I just want to set the record straight — it’s not true that Heart snubbed Alex and me,” ani Vicki. “How could she snub us when she didn’t even know we were there? And we never ever saw each other.”

 

 

“If you watch the Vicki Belo vlog, you will see that Alex and I were just kidding and joking around. And I was so thrilled that Alex mentioned Heart and me in one sentence, and we all know what a fashion powerhouse Heart is,” dagdag pa niya.