Sam Milby: ‘Gusto kong bumalik sa pagiging musician’

Gusto muna ni Sam Milby mag-focus sa kanyang musical side.

Sam Milby: ‘Gusto kong bumalik sa pagiging musician’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/16/2022 12:45 PM
Sam Milby: ‘Gusto kong bumalik sa pagiging musician’
Photo credit to @samuelmilby Instagram

Nag-i-enjoy si Sam Milby sa pag-arte at sa pagiging aktor sa mga teleserye ng Kapamilya network pero hindi niya naitanggi na hinahanap na rin niya ang kanyang first love which is music.

“My first love talaga is music and I feel that… Kasi minsan, kapag nasa taping na medyo nai-stress ako I will just play with my guitar and medyo stress reliever yung music. So I feel that’s still my core, that’s still my passion.

“With acting, I’ve learned to love it also. I think it depends on the role that I’m playing, kung mas nai-enjoy ko talaga yung role… I don’t know. But right now, I will say na mas naka-focus ako sa acting,” pahayag ng Kapamilya actor sa PUSH sa huli naming interbyu.


Ayon pa kay Sam tila nakalimutan at napabayaan daw talaga niya ang kanyang musical side pero umaasa siya na muli niya itong mapagtutuunan ng pansin lalo pa’t mahilig din sa musika ang girlfriend niyang si Catriona Gray.

BASAHIN: Sam Milby pressured nga ba sa pag-aasawa? ‘I don’t want to put a time frame on myself’

Ani Sam, “Medyo nakalimutan ko na yung musical side ko and I wanna bring it back ngayong may time na ako. And especially si Cat, musically inclined din siya, so I’d like to do some collabs with her and make some music with her.”

Dahil na-miss nga niya ang mag-perform kaya laking pasalamat ni Sam na nakapag-concert siya nitong mga nagdaang buwan sa ibang bansa.

“Since the pandemic happened kasi walang masyadong shows. But it’s still been a better year, siyempre kasi nagkaroon kami ng dalawang tour sa States – Canada tour with Cat and US tour with Piolo (Pascual). And mabuti naman na bumabalik na yung mga events and stuff like that,” saad ng singer-actor.

“But me personally, I feel like I’ve lost my musical side. I haven’t been singing as much as I want to be. I haven’t playing guitar as much as I want to be.

“Ngayong may time na ako gusto kong bumalik sa pagiging musician,” pangako ni Sam sa sarili.

May sariling music studio na rin si Sam at nag-aaral din daw siya ngayon ng music productions.

“I helped produce an albums. I’d like to help upcoming artists also. I have a little studio so kung may mga demo songs na gustong i-record or mga friends na gustong mag-record ng something for like concerts I do that. But I’m still learning in terms of music production,” pagbabahagi pa ni Sam.

BASAHIN: Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network: ‘As long as they need me, I will stay!’

Samantala, si Sam ang brand ambassador ng Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets at kahit hindi siya mahilig sa social media ay kailangan niya raw mag-adjust para i-promote ang produktong ini-endorse.

“Yes, of course. I want to promote this product and I will be posting about this for sure,” paniniguro ng aktor.

“I understand that it’s part of the job – sharing with fans – and I want to. It’s just, ang problema kasi sa social media –  I understand that there are a lot of fans out there, a lot of supporters, but it’s also toxic.

“We live in a society where we love to judge, we love to hide behind some profile. I’m not bothered, it’s just so much toxicity and sometimes I’m more afraid para sa mga bata ngayon.

“Their sense of identity is solely, ‘Oh my gosh, hindi nag-li-like ang mga tao ng photo ko’ and may comments na ganito and that.’ I feel like the intention of social media before was good. But now, especially, I feel sad with the Filipino culture – we love to bash people and judge,” malungkot na paliwanag ni Sam.