• Home
  • Fresh Scoops
  • Sina Aljon Mendoza, Jayda Avanzado, at Markus Paterson ang mga bida sa ‘Teen Clash.’

Full cast ng ‘Teen Clash’ series adaptation, ipinakilala na

Sina Aljon Mendoza, Jayda Avanzado, at Markus Paterson ang mga bida sa ‘Teen Clash.’

Full cast ng ‘Teen Clash’ series adaptation, ipinakilala na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/15/2022 01:05 PM
Full cast ng ‘Teen Clash’ series adaptation, ipinakilala na
Photo credit to @jayda Instagram

Ipinakilala na rin ang full cast ng inaabangang series adaptation ng sikat na Wattpad novel na Teen Clash

Bida ang mga aktor na sina Aljon Mendoza na gaganap bilang Ice, Jayda Avanzado na gaganap bilang Zoe, at Markus Paterson na gaganap bilang Jude. 

Naganap ang cast reveal noong Linggo, ika-13 ng Nobyembre.


“Thank you so much to everyone who came out in person, and to Team Online as well, for your love and support for last night’s cast reveal and Teen Clash in general! We promise to give you our all in bringing your beloved story and characters to life! Thank you again to @blacksheepph & ABS-CBN Films for this blessing! 💜🖤” ani Jayda. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jayda (@jayda)

Bahagi din ng cast sina Andi Abaya, Kobie Brown, Bianca de Vera, Zach Castaneda, Fana Lagueras, Ralph Malibunas, Gail Banawis, at Luke Alford. 

Samantala, si Gino M. Santos naman na direktor ng mga pelikula gaya ng #Y, Ex With Benefits, Love Me Tomorrow, at Sin Island, ang napiling maging direktor ng Teen Clash.

READ: Jayda Avanzado to make acting debut in new series ‘Teen Clash’

Ibinahagi ng ABS-CBN executive na si Roxy Liquigan ang official poster ng nasabing series.  

Tingnan ang official poster sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RXL (@roxy.liquigan)

Ang inaabang pelikula na Teen Clash ay hango sa sikat na Wattpad novel ni Ilyn Anne Danganan. 

Nagpasalamat din si Jayda sa sumulat ng nasabing Wattpad novel.

“And thank you too to Ate Ai @heydangs, for putting your trust, in not only this cast in general, but specifically also in me, to portray Zoe,” aniya.

Ipo-produce ng Black Sheep at iWantTFC ang nasabing series. Sa ngayon, wala pang pormal na anunsyo tungkol sa release date para rito.