Ex ‘PBB’ housemate Karina Bautista, proud na ipinasilip ang naipundar na lupain

Nakapagpundar na ng sariling lupain si Karina Bautista.

Ex ‘PBB’ housemate Karina Bautista, proud na ipinasilip ang naipundar na lupain-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/15/2022 11:55 AM
Ex ‘PBB’ housemate Karina Bautista, proud na ipinasilip ang naipundar na lupain
Photo credit to @karebautista_ Instagram

Nakapagpundar na ng kanyang sariling lupain ang aktres na si Karina Bautista. 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Karina ang isang litrato kung saan makikita siyang nakatayo sa isang bakanteng lote. 

“she believed she could, so she did,” panimulang caption ni Karina sa kanyang post na tila mensahe niya sa kanyang sarili na nagawang mabili ito dahil sa paniniwala niya sa kanyang sarili. 


Ani Karina, ilan lang sa kanyang mga kaibigan ang nakasaksi kung ano ang mga ginawa niyang hakbang para marating kung ano man ang naabot niya ngayon. Bagama’t lagi umano siyang sinasabihan na magpahinga naman paminsan-minsan, laging sinasabi ni Karina na kaya niya pa. 

READ: Karina Bautista on accepting acting projects: ‘Hindi naman ako nagmamadali sa pagiging bida’

“But only a few of my friends and family has truly seen how I pushed myself every single day for this pic. Lagi nilang sinasabi huy kare uso magpahinga pero ang sagot ko, hindi ok lang saka na,” ani Karina. 

Dagdag pa niya, malaki ang pasasalamat niya sa Panginoon lalo pa’t nangyari na ang lahat ng inaasam-asam niya noon. 

“Kaya every after work sinasabi ko uy ginalingan ko today, kahit mahirap kinaya ko yun! And dinadasal ko, Lord kita mo naman yun no? Ako na dito, Ikaw na diyan! And finally everything is falling into place,” ani Karina. 

Tingnan ang kanyang post sa ibaba: 

Samantala, binati naman si Karina ng kanyang mga kaibigan gaya nina Kate Alejandrino, Argel Saycon, at Miko Raval. 

“YOU did it. So happy for you!” ani Kate. “Yuwn! Congrats Kare!” saad ni Argel. “Congratsss,” sambit naman ni Miko. 

Isa rin sa mga bumati kay Karina si Jenny Miller. “Congratulations dear! Proud of you.” 

“@thisisjennymiller ito na po ang pinagtrabahuan natin sa cy.. 😝 thank you ate 😘” sagot naman ni Karina. 

READ: Karina Bautista shares her views on online dating: ‘I have nothing against it naman’

Pabirong sagot naman ni Karina sa kanyang kaibigan sa umano’y planong pagpapatayo ng gusali: “@bonitamuf 10 floors 😜 see you mmy!” 

Naging bahagi si Karina ng Pinoy Big Brother: Otso. Nakilala din siya bilang ka-love team ni Aljon Mendoza. 

Lumabas din si Karina sa iba’t-ibang serye ng Kapamilya network gaya ng Sandugo at Viral Scandal.

Bahagi rin si Karina ng inaabangang serye na The Iron Heart.