Boy Abunda: ‘I will make sure that I will not burn bridges’

Lilipat nga ba ng home network si Boy Abunda?

Boy Abunda: ‘I will make sure that I will not burn bridges’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/15/2022 07:02 PM
Boy Abunda: ‘I will make sure that I will not burn bridges’
Photo credits: @twbaofficial on Instagram

Hindi itinanggi ni Boy Abunda na sobrang nami-miss na niya ang pagho-host sa telebisyon. In fact, pinag-iisipan niya raw mabuti ngayon ang isang malaking desisyon kung lilipat siya ng TV network o mananatili pa rin bilang Kapamilya.

“That’s not an easy decision. As I talk now, hindi talaga madali,” ani Kuya Boy sa ginanap na mediacon ng international remittance app na Sendwave nitong Lunes, November 14. 

“Di ako nagsisinungaling sa pagsabi kong di ko pa alam. May mga kausap na ako pero wala pa akong pinipirmahan,” patuloy ng veteran TV host.


Pero anuman daw ang mangyari ay sisiguraduhin niya na maayos siyang makikipag-usap sa ABS-CBN at hindi siya magsusunog ng tulay if in case na lumipat talaga siya ng istasyon.

“Ang maganda, I will make sure that I will not burn bridges kung matuloy ako sakali kung TV5 o [GMA] 7. I will make sure makikipag-usap ako nang matino,” paliwanag niya.

“I value relationships. That’s what makes the whole process difficult. I will always say na nag-umpisa ako sa Channel 7 kung saan ako natutong lumakad. Sa ABS-CBN, lumipad ako. At sa dami ng tumulong I did not do this alone. Ang hirap talaga dahil ang dami kong relasyong pinapangalagaan,” dagdag pa ni Kuya Boy.

BASAHIN: Boy Abunda gets a billboard at Times Square

With more than 1.7 million subscribers on YouTube, natutunan na ring i-embrace ni Kuya Boy ang digital world. Pero iba raw talaga ang telebisyon at gusto niya talaga itong balikan lalo na sa edad niya ngayon.

“Kasi di naman na ako 28 years old. I’m not starting a career. I’ve been doing this for so long. Malapit na akong malaos, for the lack of a better word. All of us go. 

“If there’s one immutable law in showbiz, it is nothing lasts forever. So I’m at that stage where I want to go back to television. I want to be able to do what I can do best,” pahayag niya.

BASAHIN: Boy Abunda denies network transfer rumors: ‘Pero mahirap magsalita ng patapos’

As per Sendwave,  alam ni Kuya Boy ang hirap ng mga OFW para kumita ng pera sa Amerika at sa iba pang panig ng mundo kaya malaking tuong daw ang Sendwave para maipadala nila nang walang hassle through Gcash ang kanilang hard earned money para sa mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas.

“I know how hard our family and friends work overseas, and how important it is to support our loved ones back home. Sendwave is just as easy and affordable as sending a text message,” wika pa ng veteran TV host.