• Home
  • Fresh Scoops
  • Fresh na mga awitin ang ibabahagi ng independent singer-songwriter na si Denin Sy.

Social media ‘Parody King’ Denin Sy releases new music ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw’

Fresh na mga awitin ang ibabahagi ng independent singer-songwriter na si Denin Sy.

Social media ‘Parody King’ Denin Sy releases new music ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/13/2022 12:55 PM
Social media ‘Parody King’ Denin Sy releases new music ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw’

Chill at good vibe music ngayon ang handog ng tinaguriang King Of Parody na si Denin Sy with his latest single “Minsan Kape Minsan Ikaw.”

Si Denin ay isang music composer at singer na inspirasyon sa kaniyang mga awitin ang mga salitang trending at recall sa netizens na paulit-ulit ngayon pinapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)


Sa naging panayam ng PUSH sa launch ng kaniyang bagong komposisyon na “Minsan Kape, Minsan Ikaw,” ibinahagi ng singer songwriter ang inspiration kung paano niya nabuo ang kaniyang bagong awitin. 

“Noong, gusto kong gumawa ng kanta na hindi pa nagagawa ng iba, bagong concept. So naisip ko ‘yung linyang, ‘Nakakapag-paganda ng araw, nakakapag kabog ng puso’ kaya ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw,” sambit ni Denin sa panayam. 

Bukod sa kanyang newest single, ilang awitin na rin ang binuo ni Denin na napapakingagn ngayon at na-e-enjoy ng netizens. 

“Early this year, I release a song titled ‘Pasensya Ka Na God bless.’ It was inspired by a viral meme, and ‘yung linyang ‘Pasensya kana ha God bless’ nilagyan ko ng tono, tapos nilagyan ko ng linyang, ‘Kung ayaw mo na sa akin, ‘di na uulitin. {asesnya kana wag mo na akong saktan. So, ayun na ‘yun. That was the inspiration,” ani ng singer-songwriter. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Denin SY (@deninsyofficial)

Dagdag pa niya: “Napapanahon ngayong papalapit ang pasko ang kaniyang awitin: “The second one, nag release ako ng kanta titled ‘Bopols’  pero ano siya parang sobra ko lang talaga siya mailabas kasi one time tinugtog namin siya sa gig and the next one is ito, ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw’.

“So ito ang tingin ko na talagang bagay na bagay sa -ber months. :igaw song siya na kapag marinig ng tao ngayon na malamig, maulan, maaalala nila ‘yung best times nila with their loved ones,” pagpapatuloy pa niya.

Passion rin kung maituturing ni Denin ang pagsulat at pagbuo ng mga awitin na isang licensed architect. Kaya naman, mas minabuti rin aniya na maging isang independent songwriter na lamang siya sa gitna nang panliligaw sa kaniya ng iba’t ibang music producers. 

“Mayroong mga nag-offer ng publishing deals pero they want the song to be interpreted by other artists. Pero for me kasi na magkakaroon ako ng song na mag-iiwan ng mark, ito na ‘yun kasi napamahal na ‘yung song kahit na ang bilis ko lang nagawa and I think parang this is the most sincere song na nagawa ko,” ani ng singer. 

Paliwanag rin ng singer, hangad lang niya ang magbahagi ng markadong awitin na paulit-ulit na mapapakinggan ng mga OPM lovers. 

“Maybe kasi ang aim ko magkaroon ng kanta na walang kapareho ng concept at wala pang kapareho ng title. Ang pinaka goal ko kasi ‘yung kapag hinanap ka sa YouTube search, ikaw agad pag hinananap ka sa YouTube title ng kanta. Ikaw agad, kaya ang mga title ng kanta ko, ‘Pasensya Ka Na Godbless’, ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw’, ‘pag tinaype mo ako lang ang lalabas.”