• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang ni Vilma Santos ang kanyang ika-69 na kaarawan kamakailan.

Luis, Ryan at Jessy may mensahe para sa ika-69 kaarawan ni Vilma Santos

Ipinagdiwang ni Vilma Santos ang kanyang ika-69 na kaarawan kamakailan.

Luis, Ryan at Jessy may mensahe para sa ika-69 kaarawan ni Vilma Santos -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/13/2022 07:10 PM
Luis, Ryan at Jessy may mensahe para sa ika-69 kaarawan ni Vilma Santos
Photo Credit: @Vilma Santos - Recto on Youtube

Ipinasilip ni Vilma Santos sa kanyang mga tagahanga ang kanyang naging birthday celebration kamakailan. 

Ipinagdiwang ng Star for All Seasons ang kanyang ika-69 na kaarawan nitong ika-3 ng Nobyembre. 

Para sa kanyang kaarawan ngayong taon, naghanda siya ng mongolian food para sa kanyang mga bisita kabilang na ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. 


Read: Vilma Santos surprises Luis Manzano, Jessy Mendiola with a special gift for baby Peanut

“If you noticed, talagang close family lang. Very, very simple post-birthday,” ani Vilma. 

Dumalo rin sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Walong buwan nang buntis si Jessy. 

Ani Vilma, nagpa-antigen test lahat ng bisita para masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga bisita lalo na ang nagdadalang-tao na si Jessy.  

Present din ang anak ni Vilma na si Ryan. 

Panoorin ang vlog nil Vilma sa ibaba: 

Nagpasalamat din si Vilma sa lahat ng bumati sa kanya. 

“I love you guys. Thank you very much from the bottom of my heart. Salamat din po sa lahat ng bumati, maraming maraming salamat,” ani Vilma. 

Samantala, nagbigay naman ng birthday messages ang mga anak niya na sina Luis at Ryan pati na ang kanyang daughter-in-law na si Jessy. 

“My wish is that she gets good projects that she is passionate about and that she can enjoy. Kasi parang she misses being an actress and showbiz in general. Happy Birthday ang I love you so much, Mom. Thank you for everything. Thank you for always being there for me. I couldn’t ask for more honestly,” ani Ryan. 

Read:Vilma Santos shares her long COVID journey: ‘Ibang klase yung COVID ko’

“Ang wish ko naman kay Momsky as always long life and healthy pero ngayon pag sinasabi kong long life dahil may parating na bagong blessing sa pamilya para matagal, masaya at happy ang mga kasama ng ating Peanut sa pamilya,” saad naman ni Luis. 

“Happy Birthday Momsky. Nakakexcite kasi parang birthday gift kay Momsky ang pagakakaroon ng baby Peanut. We’re very, very happy. And ngayon palang sasabihin ko na sobrang blessed ni Peanut magakrooon ng grandma tulad ni Momsky. And excited po ako dun,” saad naman ni Jessy.