• Home
  • Fresh Scoops
  • Natawa naman si Kylie Verzosa nang tanungin ito tungkol sa love life.

Kylie Verzosa, ipinakilala bilang bagong calendar girl ng sikat na liquor brand

Natawa naman si Kylie Verzosa nang tanungin ito tungkol sa love life.

Kylie Verzosa, ipinakilala bilang bagong calendar girl ng sikat na liquor brand-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2022 12:50 PM
Kylie Verzosa, ipinakilala bilang bagong calendar girl ng sikat na liquor brand
Photo credit: @kylieverzosa Instagram

Bago matapos ang taong 2022 ay dalawang magagandang bagay ang nangyari sa career ng beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa.

Nakuha ni Kylie ang kanyang kauna-unahang acting award sa taong ito at siya din ang ipinakilala bilang pinakabagong Tanduay Calendar Girl para sa taong 2023.

Tinanghal na Actress of the Year (Best actress) si Kylie sa katatapos lang na Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) sa Dubai para sa pelikulang The Housemaid na idinirek ni Roman Perez Jr. Ito ang kauna-unahang acting award ni Kylie.


Ginanap naman ang launching ni Kylie as the new calendar girl ng sikat na liquor brand nitong Huwebes, November 10,  2022 sa isang mediacon na dinaluhan ng PUSH at ilang members of the entertainment press.

BASAHIN: Kylie Verzosa wins Best Actress Award at the DIAFA 2022

“Hindi ko ini-expect na ito ‘yung mangyayari sa akin this year. I hope next year [ganun din]. You know, they say na whatever you plant, you reap the fruits of your labors. So, I’m hoping for even a better year next year.

“But for this year, I’m so, so grateful. So thank you so much, I’m really so overwhelmed,” masayang pahayag ni Kylie tungkol sa magagandang nangyayari sa showbiz career niya ngayon.

Ano ba ang naging impact sa kanya ng acting award na natanggap niya?

Ani Kylie: “Sobrang nakaka-fulfill, nakakataba ng puso. Hindi pa nga siya nagsi-sink in sa akin hanggang ngayon. Hindi pa kasi tuluy-tuloy yung flight, work, dire-diretso kaya hindi pa nagsi-sink-in.”

“Parang I’m the same person as who I was before, so hindi pa talaga nagsi-sink in pero superr happy ako at grateful ako sa lahat.”

Inamin din ni Kylie na sinigurado niya sa organizer ng award-giving body kung totoonv siya ang nanalo. Pero pagkatapos daw niya itong makumpirma ay ibinalita niya agad ito sa ama. 

“Tinanong ko talaga muna kung sure sila. Kung ako ba talaga ‘yung choice nila na manalo kasi marami namang ibang aktres sa Pilipinas. At saka 10 kasi ‘yung pinitch nila na films tapos nag-short list ng tatlo,” aniya.

“Nung na-shortlist happy na ako dun, eh. Tapos nung sinabi sa akin na ‘yung The Housemaid yung nanalo tapos ako yung nanalo, ‘Sure ba kayo diyan?’

“I really felt overhelmed. That was my friend from Dubai who greeted me. Yung unang-una ko pong sinabihan ay yung daddy ko po. Nag-send ako sa viber ng message, ‘Hey dad,  I won.’ Sabi niya, ‘Congrats Kylie you deserve it,’” kuwento ng 2016 Miss International. 

Patuloy pa ni Kylie: “Kasi mahirap pasukan ang isang industriya na you didn’t really started. So, coming in into acting as a beauty queen – one, there’s  so many stereo types and mahirap dahil iba talaga yung discipline and yung practice. Ako, it took me a few years na mahasa talaga sa craft.”

“Nagpapasalamat ako na finally all my hard work is paying off and finally na-acknowledge na ako ng isang award-giving body pa na nasa Dubai na celebrates  a movie about the strength of Filipinos,” ani pa niya.

Magiging mapili na ba siya sa pagtanggap ng roles?

“Siguro po, I’ve always been choosy with the work that I’ve been doing and ever since ganun po talaga ako. And I’m also very careful with the projects I accept,” saad niya.

Sa tanong ng PUSH kay Kylie kung naniniwala ba siya na kapag successful ang isang artista sa kanyang career ay nagsa-suffer naman ang love ay napahalakhak ito.

”Feeling ko puwede siyang pagsabayin. Ha-ha-ha! Basta sinusuportahan ka sa love life and you both complement each other,” aniya.

BASAHIN: Kylie Verzosa on breakup with Jake Cuenca: ‘My heart is getting better every day’

“Feeling ko pwede naman. Pero siguro, sa panahon na ito happy ako kung  nasaan ako ngayon,” natatawang reaksyon pa ng actress-beauty queen.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Kylie na ka-level na niya bilang calendar girl ng Tanduay sina Heart Evangelista, KC Concepcion at Bea Alonzo.

“It feels surreal to become a Tanduay Calendar Girl, especially if you consider all the strong and beautiful women who came before me like Heart Evangelista, KC Concepcion, and Bea Alonzo. It feels great to be in their company,” pahayag pa ng dalaga.