• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin naman ni Enzo Pineda na naiitindihan niya si Michelle Vito.

Enzo Pineda, pinagbawalan na ni Michelle Vito na magpa-sexy

Inamin naman ni Enzo Pineda na naiitindihan niya si Michelle Vito.

Enzo Pineda, pinagbawalan na ni Michelle Vito na magpa-sexy-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2022 11:29 AM
Enzo Pineda, pinagbawalan na ni Michelle Vito na magpa-sexy
Photo credit: @its_enzopineda Instagram

Nabanggit ni Enzo Pineda noon na hindi na siya tatanggap ng mga sexy roles dahil sa girlfriend niyang si Michelle Vito. Ayaw na raw kasi ni Michelle na naghuhubad ang aktor sa pelikula.

“Ako siguro nirerespeto ko kung ano ‘yung gusto ni Michelle and I understand where she is coming from,” pagtatapat ng Kapamilya actor sa PUSH sa ginanap na digital mediacon ng Call Me Papi. 


“And siguro, sa mga roles na ginawa ko before, I can say na I’ve been through a lot of sexy roles. Siyempre, ang advice na kasi ni Michelle sa akin maghinay-hinay ako. Kasi may tendency na baka ma-typecast na lang ako sa mga sexy roles at hindi na ako makapag-progress o makakuha ng ibang roles outside that,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy pa ni Enzo: “So, siguro hinay-hinay lang… I mean, for me, it’s very important na at least [you try] this type of roles once in your life para masabi mo na nagawa ko siya. Tsaka nagkataon naman sa akin lahat ng mga sexy roles na ginampanan ko ay magkakaiba naman po lahat.

BASAHIN: Enzo Pineda greets Michelle Vito on her 25th birthday

“Hindi naman siya same story as the other. Kumbaga, sexy siya pero iba-iba yung genre. So, ako naman I just have to be conscious about it kasi siyempre as an artista na iniidolo kami, so our role that we get somehow reflect our personality,” aniya.

“Sa mga roles naman na ginampanan ko I can say that we all have a bigger purpose hindi lang being sexy.  Yung mga characters na kinukuha ko may value din  Kailanagan lang talagang mamili ng tamang role if you’re gonna do sexy,” mahabang paliwanag ni Enzo sa PUSH.

Bida si Enzo sa upcoming barkada comedy movie ng Viva Films at Feast Productions na Call Me Papi. Isinulat at ididirek ito ni Alvin Yapan. Gaganap si Enzo bilang si Sonny, isang gym instructor na natanggal sa trabaho nang patulan ang isa niyang client na may asawa na pala.

Mahigpit bang girlfriend si Michelle?

Sagot niya: “Very blessed ako na si Michelle ay mataas ang pasensya. May mga moments na I can say na medyo pasaway po ako pero she’s always there pa rin for me.

“And I’m just really blessed to have her – somebody who loves me unconditionally. Si Michelle kasi is conservative, looks out for my well-being. I’m more lucky to have her.”

Makakasama ni Enzo sa Call Me Papi sina Royce Cabrera, Albie Casino, Lharby Policarpio at Aaron Concepcion.

Ayon naman sa direktor ng pelikula, three years in the making ang Call Me Papi.

BASAHIN: Enzo Pineda’s memorable projects as a Kapamilya

“The movie was shot in a span of three years because it was stalled by the pandemic. It’s really a miracle na natapos namin ito, kasi we started shooting it before the pandemic and each time we’d continue, we’re stopped by new lockdowns and restrictions because of the virus.

“So we’re now very thankful that after three years, natapos namin ito last July at ipapalabas na siya sa mga sinehan on December 7,” pagbabahagi ni Direk Alvin.