• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas ramdam daw ni Andre Yllana ang pressure na nakaakibat sa pagiging anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Andre Yllana sa pagiging anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana: ‘Wala po talagang advantage’

Mas ramdam daw ni Andre Yllana ang pressure na nakaakibat sa pagiging anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Andre Yllana sa pagiging anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana: ‘Wala po talagang advantage’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2022 01:50 PM
Andre Yllana sa pagiging anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana: ‘Wala po talagang advantage’

Ibang klase at diretsong magsalita si Andre Yllana, ang panganay ng estranged showbiz couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana. Wala itong paliguy-ligoy na inamin na hindi siya naniniwalang advantage sa kanyang pag-aartista na parehong taga-showbiz ang kanyang mga magulang.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andre Yllana (@andreyllana)

“Tatapatin po kita. Sa totoo lang po, para sa akin po ha, wala po talagang advantage —wala,” sabi ni Andre sa PUSH at ilang members ng entertainment press na dumalo sa face-to-face cast reveal presscon ng The Rain In España kamakailan lang.


“Alam n’yo, sa totoo lang po, disadvantage pa nga po ‘yun. Kasi siyempre, ‘yung pressure, kasi parehas pong artista ang mga magulang ko,” diin pa ng binata.

Ramdam daw talaga niya ang pressure dahil parehong naging sikat na artista ang kanyang parents. Nakilala nang husto noon si Jomari dahil sa grupo ng Gwapings hanggang naging leading man siya ng iba’t ibang aktres sa pelikula.

BASAHIN: Andre Yllana, dumaan sa depresyon; may mensahe sa ama: ‘May mga bagay na too late na’

Si Aiko naman ay pinatunayan kung gaano siya kahusay na aktres nang manalo ito ng mga acting awards.

Pareho ding naging matagumpay ang pagpasok nina Aiko at Jomari na parehong konsehal ngayon sa kani-kanyang distrito.

Ayon kay Andre: “Para as akin lang naman po ito ha. Wala pong advantage. Disadvantage po para sa akin. May pressure talaga.”

Magkaganun man, paminsan-minsan ay nararamdaman din daw niya na may advantage din ang pagiging showbiz royalty niya lalo na kapag nakakatanggap siya ng special treatment mula sa mga taong nakakakilala sa mga magulang niya at sa kanyang fans.

“Siguro may ilang instances po na nagagamit ko siya as an advantage, pero hindi naman para gamitin pa. Siguro ‘yung mga instances na, ‘Ikaw pala yung anak ni ganito, anak ni ganyan, dito ka…’ May special treatment po,” pagbabahagi pa ni Andre.

Hinangaan naman ng mga co-actors ni Andre sa The Rain In España kung paano ito nagpakatotoo sa kanyang naging pahayag.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andre Yllana (@andreyllana)

Aminado si Andre na isang malaking pressure din para sa kanya na makasali sa series adaptation ng pinakasikat na Wattpad university series na merong 550 million reads.

“Ako naman po ang naramdaman ko nung una, kaba. Hindi naman nawawala ‘yung kaba sa akin kapag may mga binibigay sa aking tungkulin. Kaya po ang una kong naramdaman nun ay kaba,” aniya.  

“Tapos na-realize ko po na, ‘Oh my God. Meron akong project.’ Meron akong blessing kaya tuwang tuwa ako nun. Siyempre, binalita ko kila mommy,” pahayag ng aktor.

BASAHIN: André Yllana reveals why he was called ‘pasaway’ in high school: ‘Talagang lahat ng bawal ginawa ko!’

“Nagkaroon na kami ng mga meeting, nakapag-hangout kami ng buong cast. Naging komportable na rin ako kaya very excited ako na mag-taping kaming lahat para sa show na ito,” excited na kuwento pa ni Andre.

Makakasama ni Andre sa The Rain In España sina Marco Gallo, Heaven Peralejo, Aubrey Caraan, Francis Magundayao, Gab Lagman at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Thedore Boborol.