• Home
  • Fresh Scoops
  • Next level of kilig na aniya ang ibinahagi ni Kathryn at Daniel sa kanilang mga manuod

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ang pag-level up ng pagpapakilig

Next level of kilig na aniya ang ibinahagi ni Kathryn at Daniel sa kanilang mga manuod

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ang pag-level up ng pagpapakilig-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/12/2022 10:30 AM
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ang pag-level up ng pagpapakilig
Photo credit: @bernardokath Instagram

Inamin ng Kapamilya tandem na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na next level of romance and kilig na ang kanilang ibinibigay sa kanilang mga taga suporta.

Kasunod ito ng ibang atake nila sa kanilang successful series na 2 Good 2 Be True na sinusubaybayan sa iba’t ibang digital streaming platforms ng solid KathNiel fans.

Paliwanag ni Daniel są naganap na finale media conference ng kanilang successful series, ibang taste of pagpapakilig ang kanilang ginagawa ngayon.


“If you talk about kilig, nararamdamam naman iyan lagi kapag bago mong kakilala ang tao. Kumbaga ayun ang pinakamasarap na moments ninyo, bago e’. Mga tinginan niyo the best kasi bago. Pero kapag ginagawa mo na siya on screen and off screen pa for 11 years, maturity na ang kilig na tinatawag natin,” ani Daniel. 

Aniya, next level na rin and mature na kung kaniyang ilalarawan ang kanilang take sa pagpapakilig na masasabi niyang effective pa rin dahil sa kanilang nabuong chemistry throughout the years na magkasama sila ni Kathryn.

“Hindi naman lahat ng tinginan na ‘to, lalo na sa amin ni Kathryn, iba na ‘yung ibig sabihin ng kilig sa amin. Lalo na dito sa show, tintimpla namin e, ‘yun pa, parehong alpha ‘yung characters namin kung titignan niyo parehong may mga sariling buhay e, parehong may tig-isang giyera ‘yung parehong grupo e, pero ‘yun, iba na ang atake namin kaysa dati. Dati kasi may mga cheesy lines pa, dudulas pa ‘yon e, kasi cute pa siya,” ani Daniel.

Patuloy niya: “Pero pag ginawa namin ‘yun ngayon, hindi na siya masyado dudulas at baka cringe na. Kasi just put yourself sa audience, at alam mong matagal nang nanunuod, parang ‘o ilang beses na iyan,’ ‘di ba? Kahit ako na mismo, magre-reklamo, so ganan din kaming dalawa, paano ‘yung mas normal na atake, ikabit natin ‘yung reality dito kung ano lang ang masarap sa pakiramdam ano ba ang dapat natin marinig at ano ba ang dapat nating sabihin.”

Naniniwala rin si Daniel na sa haba ng panahon na magkasama sila ni Kathryn, iba na rin ang definition nila ng kilig: “Iba na rin ‘di ba, kilig lang mas nagiging complex na masyado kasi ang tagal na naming ginagawa,” pahayag ni Daniel na sinangayunan rin ni Kathryn.

“Siguro ang pinaka changeling, and I think sa lahat ng teleserye na nagawa namin kung kilig lang ang pinaka pag-uusapan, dito kami pinaka na-challenge,” sambit ni Kathryn.

Gaya ng paliwanag ni Daniel, naniniwala rin si Kathryn na matalino na ang mga audience ngayon na kanilang sinasabayan sa pagbabago ng kanilang timpla sa pagpapakilig.

“Maybe because one, pang ilan na teleserye na namin ito. Two, paano mo bibigyan ng rason ang mga tao to watch you and bigyan ka ng halimbawa sa Netflix, 30 minutes of their time kung napanood na nila ‘to sa iba like ‘nakita ko na iyan e, napanood ko na ‘yan sa Got To Believe e, nakita ko na yan sa Pangako Sa ‘Yo. Sobrang hirap nun a,” ani Kapamilya actress.

Challenging rin para kay Kath and DJ na bigyan ng bagong level of kilig ang kanilang audience na mas-malawak ngayon dahil sa wider reach na napapakanood sa kanila tuwing gabi sa pamamagitan ng digital streaming platform.

“Kung nakikita niyo lang ang struggle, ang discussion namin with Direk, with Sir Roy ang producer namin, kung paano siya maitatawid ng hindi lang basta itatawid, ‘yung gusto mo siyang magawa na bago, napakahirap sa totoo lang,” ani Kath

Paliwanag rin ng aktres. “So, yung sa kilig and aside doon sa maturity na kailangan iba-iba na ang ways of tingin, iba na ang pag-flow ng love, and important siguro ang effort na ibahin mo at ‘yung totoo lang ang ipakita mo at huwag mong i-arte na kung hindi ka kinilig noong binasa mo ‘to ano ang totoo mong mararamdaman. Doon lang kami parati pumupunta.”

At bilang ilang successful project na rin ang kanilang ginawa ng real life boyfriend, aminado si Kathryn na hindi aniya basta-basta ang magpakilig. 

“Akala nila, kapag love story ‘yun ang pinaka madali, pero hindi. Ang hirap-hirap magpakilig and happy lang kami kasi tinanggap talaga to ng lahat ng tao, and hindi namin alam kung ang next ba namin na tatanggapin, ang hirap din kasi timplahin e. Pero siguro nakuha ang timpla ng lahat dahil ‘yung character ni Aly and Eloy pumasok na sa amin and hindi nagsasawa makinig sa amin si Direk whenever we feel uncomfortable, we talk to her. Makikita mo nagpupulong-pulong na sa system and then dini-discuss na kung how to revise it and how to make it more Aly and Eloy as Kath and Deej, yoon very important na maging hands-on sa ganun mga bagay kasi if not na hindi kami comfortable and pipilitin lang for sure mararamdaman niyo ‘yun kasi ang tatalino talaga ng mga audience ngayon.”