• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Baron Geisler, bukod sa matibay na pananampalataya ngayon, ang kaniyang misis ang isa sa mga naging daan para ituwid muli ang kaniyang buhay.

Baron Geisler, pinasalamatan ang misis na si Jamie: ‘She’s my rock’

Para kay Baron Geisler, bukod sa matibay na pananampalataya ngayon, ang kaniyang misis ang isa sa mga naging daan para ituwid muli ang kaniyang buhay.

Baron Geisler, pinasalamatan ang misis na si Jamie: ‘She’s my rock’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/12/2022 12:25 PM
Baron Geisler, pinasalamatan ang misis na si Jamie: ‘She’s my rock’
Photo credit: @baron.geisler Instagram

“The old Baron is dead.”

Ito ang sinabi ng aktor na si Baron Geisler sa naging exclusive interview sa kaniya ng CinemaNews kasunod ng naging success ng kaniyang pelikula na Doll House na nagpaiyak sa mga manunuood ng digital streaming platform na Netflix.

Ayon kay Baron, kasunod ng tagumpay ng kaniyang pelikula ang tila pagbabalik rin ng tiwala sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan at pamilya na minsan lumayo sa kaniya dahil sa kaniyang pinagdaanan sa buhay.

“Iba parang bumalik na rin ‘yung tiwala at respeto sa akin kaya sobrang ang hirap ipagmayabang. Parang hindi ko siya maipagmamayabang na gaya ng sinabi ko, lahat ito grace so walang ego na kasama ‘to, walang yabang lahat ‘to. Tagos sa puso talaga kasi hindi lang nano-notice siguro ng mga tao but I have been really working and doing the leg work on my program and my sobriety for the past four and half years now and because of this project, Doll House, doon nakita lahat ng efforts ko, doon napansin, and doon sa mga katulad ko no na survivors, doing their best to come back and make anew their life,” masayang bungad ng aktor sa panayam.

Dumaan man sa madilim na bahagi ang kaniyang buhay, naniniwala si Baron na hindi pa huli ang lahat para sa mga taong minsan rin naligaw ng landas.

“It’s never too late. Just keep on praying because it only takes one call, one project, or one breakthrough and you know, we’re back and the trust is back. But it’s hard to do, to regain you know, it’s really hard to regain so more of takot ang nararamdaman ko tuwing tinatanong ako lahat ng mga kaibigan ko, ‘how do you feel is the ego back?’ No actually I’m afraid, first of all the trust and the trust is back and I don’t want that to go away and I also don’t want it parang I don’t want it to hold it selfishly so. It’s just like my recovery if I keep it to myself and not to give it away, then it’s wala hindi siya magagamit. So this is the perfect time when I could do my service work and work at the same time and give it back both of your foundation and visit those little girls who are survivors, go to Visayas and Mindanao to talk about God’s grace and of course to be the poster boy of anti-drugs.”

At tulad ng mga dumaan sa parehong sitwasyon ni Baron, naniniwala siya na wala rin perpektong paraan para sa mga taong nangarangarap na ituwid ang kanilang buhay.

“May mga natutunan rin ako sa film na ‘to e. Babalik tayo sa grace ni God. Everything is uncertain, everything will die down. ‘Yung popularity will die down so na realize ko dahil sa sobrang init ko kay God noong 2019, 2020, I have to surrender myself every day and it’s a process and it takes time,” sambit ni Baron.

Patuloy pa niya: “Kasi sumablay rin ako noong 2019, sumablay rin ako this year, lahat naman sumasablay e, ang importante lang is how to pick myself up and become the person I was yesterday, so ‘yun lang this totally humbled by this film lang talaga. Wala akong masabi na I cannot promise anything, basta ‘yung sa akin lang I stick to my program, I stick with my guns I stick with God, I stick with my real friends [and] of course, my wife and I think all will be well.”

Bukod sa kaniyang matibay na pananalig sa pananampalataya, isa rin sa labis na pinapasalamatan ng aktor ang kaniyang misis na si Jamie.

“She’s my rock e. Aside from God, she speaks the truth with love, she gives me tough love when I need to hear it. And siya yung barometer, pag nakikita kong nagsusungit, ‘yun na agad ang insiisp ko, what am I doing wrong? Let me count, let me do my daily reflection and daily inventory. Ah ok, maybe nagkulang ako sa ganitong point, or maybe I am acting a little bit goofy. Siya ang barometer ko kung nasa tama ako, pag happy siya okay, then I’m cool, I’m cool.”

Aniya, si Jamie ang gumagabay sa kaniya sa kaniyang well-being at sinisigurado na laging nasa tuwid ang kanyang mga naiiisip.

“Well my support system is an ongoing process. It’s a 24 hour program na I go to whenever I fail. We have this line, or acronym na HALT, that I have as a recovering alcoholic and you should be always careful whenever I am HUNGRY, ANGRY, LONELY, or TIRED because these are the triggers that cause me to relapse or lapse. So good thing, one month before lumabas ang Doll House, nagpa-counsel ako sa 180 degrees because bumabalik yung character defect and normal yun sa akin,” ani Baron.

Paliwanag pa ng aktor: “So Psychotherapy really helps also understand what are the triggers. So okay when these things are happening and rather than husband and wife not get along sometimes, I have to step back, rethink, and work around it. Kasi if I ask people to parang do that, to work around me, that’s so unfair. That can happen even for normal person and that’s not a good thing so I need to learn how to disengage with arguments or the real things that are happening in everyday life. I need to ask for help, call a friend, who’s in the program, call my sponsor and tell them how I feel, because if I bottle all this up and do it alone, I will definitely fall. I’m telling you having that system or that group is very crucial and very important.”

Bukod sa kaniyang misis, isa rin sa pinasalamatan ni Baron ang mga kaibigan at ka-batch sa teen-oriented program noong ’90s na Tabing Ilog kabilang na sina Paolo Contis at John Lloyd Cruz.

“You know this batch, the Tabing Ilog batch, ganung ka special siguro ‘yung group namig kasi we worked with the best. Aside from that we were honed on, our craft was honed and mentored by the best, andiyan sila. You know, ABS-CBN spent a lot of money para sa mga workshops naming talent center pa lang noon. Gusto ko silang pasalamatan na hindi na waste ang pera niyo. They would rent—hindi pa ganun kalaki ang ABS noon—they would rent hotels and conference rooms para lang sa mga workshops namin. Sino ba mga nag workshops sa amin? Sina direk Peque (Gallaga), sina direk Erik Matti, sina direk Laurice Guillen, so yung mga ganung level. Ganun ang binibigay sa aming importansya ng ABS, so ang laking pasasalamat ko sa kanila.”

Sa gabay ng kaniyang matibay na support group, isa rin sa naging malaking tulong kay Baron ay ang pagkahilig niya ngayon sa pagbabasa.

“Yes magaan, siguro sa hindi alam ng pangkaraniwan ng lahat na lately naging habit ko na rin ang magbasa, so ang dami kong natutunuan. And what am I trying to point out is medyo nagma-mature na ako somehow. Kunwari, kapag may trabaho ako, hindi lang pala responsibility ko to go to the set, my responsibility is also to look at everything sa God’s perspective, hindi sa sarili kong perspective na selfish. So by doing that, mas nagiging objective ako and then mas nagkakaroon ako ng deep understanding na malaking responsibility ang trabaho na ‘to and one of my responsibility is not to only think about my job, it’s also to think of others rin sa set, how they feel so mas nagiging selfless/ And dahil doon mas marami akong natututunan dahil hindi closed ang doors ko so masarap,” ani aktor.

Para pa sa aktor, aminado siya na hindi pa niya tuluyan na masasabi na nakabanagon na siya mula sa kaniyang pinagdaanan sa buhay, pero bilang alagad aniya ng may matibay na pananampalataya.

“Yes I am praying na, gaya ng sinabi ko na nothing is certain. But I am praying to God everyday na, ‘Lord please sustain me, sustain this but of course, it’s Your will pa rin, Lord.’ It’s always His will so surrender lang, surrender lang everyday,” pahayag ng aktor.

Bukod sa tagumpay ng Doll House, bahagi rin si Barron ng upcoming Kapamilya series na The Iron Heart na pangungunahan ni Richard Gutierrez.