• Home
  • Fresh Scoops
  • Palaisipan ngayon kung matutuloy pa ba ang pageant kung saan lalaban ang pambato ng Pilipinas na si Herlene Budol.

Herlene Budol, na-budol nga ba sa Miss Planet International?

Palaisipan ngayon kung matutuloy pa ba ang pageant kung saan lalaban ang pambato ng Pilipinas na si Herlene Budol.

Herlene Budol, na-budol nga ba sa Miss Planet International?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/11/2022 04:38 PM
Herlene Budol, na-budol nga ba sa Miss Planet International?
Photo credit to @herlene_budol Instagram

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng ilang kandidata na kalahok sa 2022 Miss Planet International ang tila hindi magandang naranasan nila sa pageant organization.

Una na dito ang revelation ni Miss Planet International candidate Tamila Sparrow ng Czech Republic kung saan inihayag niya ang tila kapabayaan ng pageant organization sa kanilang mga kandidata matapos umanong hindi mabigyan ng tamang accommodation sa Uganda, kung saan gaganapin ang sinalihang pageant.

“I have to apologize, but unfortunately we were robbed. We haven't had even 10% of activity, nothing was paid, nor our accommodation nor our food. We're stuck in the Uganda.


“We have been trying to solve it, even those who were not involved into the pageant paid their own money to keep us fed and safe. I couldn't be silent anymore.

“I apologize for everybody who put a lot of effort in us monetary or mentally wise. But this has to be seen by public. Please share. 35 contestants (who hasn't left yet) were scammed,”

Miss Planet International candidate Tamila Sparrow ng Czech Republic

COURTESY @tamila_sparrow INSTAGRAM STORY

Bukod sa kandidata ng Czech Republic, isang statement rin sa social media ang inihayag ni Miss Jamaica na si Tonille Simone Watkis at sinabing “kanselado” na umano ang coronation night ng pageant na gaganapin sana ngayong November 19.

“Thank you all for your support up until this moment. Unfortunately, the competition has been canceled. But, it was such an honor to have the chance to represent my beautiful Jamaica again,” ani Miss Jamaica sa kaniyang IG story.

Miss Jamaica Tonille Simone Watkis

COURTESY @tonillewatkis INSTAGRAM STORY

Dagdag pa ni Miss Czech Republic, idinulog na niya sa kapulisan ng Kampala, Uganda ang kanilang mga hinaing at nais na lisanin na ang bansa sa lalong madaling panahon.

“It doesn't stop me from standing where I have been standing - to say out loud what I believe in and support causes I've been supporting.

“Just give us some time to figure everything out. Please All we know - we are leaving the country as soon as possible,” pahayag pa ni Miss Czech Republic sa kaniyang Instagram story.

Miss Planet International candidate Tamila Sparrow ng Czech Republic

Miss Planet International candidate Tamila Sparrow ng Czech Republic

COURTESY @tamila_sparrow INSTAGRAM STORY

“Spent few hours in the police department in Kampala. To file a testimony against responsible production manager here.

“Now I'm off to sleep. Tomorrow more issues will need to be solved. There's a chance people from the government will come here. All I want is to be safe I don't know yet if I stay any longer before my flight, because changes cost about 500$,” aniya sa sumunod na Instagram story.

Samantala, sa mga concerned Pinoy pageant fans naman na nag-alalala para kay Herlene Budol, isang statement naman ang ibinahagi ng talent manager nito na si Wilbert Tolentino na personal na kasama ni Herlene sa Uganda.

“Sa mga concerned netizens at mga nag tatanong ng UPDATE sa Miss Planet International kung totoo ba cancelled ang event. eto ang kwento...

“Lagpas kalahati ang indi naka pasok sa Africa dahil wala silang [Yellow Fever vaccination] at Ang Sponsors ng Organisasyon tulad ng SPEKE RESORT, KAMPALA na matitirahan ng delegate ay nag back out dahil sa issues ng Ebola Virus. Nag karon sila ng PLAN B at linagay nila sa ZARA GARDENS ang delegates kahapon. Subalit d pa naka settle ang nasasabing Hotel kaya need mag check out uli ang mga Candidata.

“So, kanya kanyang diskarte muna sa pag kuha ng kanilang matitirahan sa Airbnb At d naman natin masisi. Sari-sari emosyon ang bawat candidata epekto sa indi maayos ang systema at hindi nakapag kain ng tamang oras mga candidata. May apat hanggang anim nag withdraw dahil mauubusan ang budget kung tumagal pa sila sa UGANDA.

“First time nag Host ng international pageant ang bansang UGANDA. kaya indi naka align sa original plan ang Calendar Activities. Ang CEO ng MPI ay darating sa November 12,” hayag pa ng talent manager ni Herlene.

Aniya pa, ligtas at nasa maayos silang kalagayan ngayon habang nag-hihintay kung magpapatuloy pa nga ba ang 2022 edition ng Miss Planet International kung saan lalaban ang pambato ng Pilipinas na si Herlene.

“Wait nalang po natin ang official statement mula sa Organisasyon. but rest assured we are all safe buong TEAM PHILIPPINES. Hindi man maganda experience naranasan namin dto. but we are proud to say that We are Survivor in our own way. Tumuloy man o indi ang Pageant, in good faith tayo lumaban at pinaghandaan. We will keep you posted as soon as we have an additional information. Thank you!” pahayag ni Wilbert.

Si Herlene Nicole Budol ang first-ever candidate na pinadalahan ng Pilipinas sa 15-year-old pageant organization na ang layunin ay ang social awareness at pangangalaga sa ating planeta.

RELATED ARTICLE: Herlene Nicole Budol is Miss Planet Philippines

Matatandaan na bago umalis si Herlene, personal na nakapanayam ito ng PUSH at ibinahagi ang kaniyang paghahanda sa nasabing pageant.

“Nakakatakot pong dumayo kasi ang expectation po ng mga tao sa akin dito, ay ma-disappoint ko po sila pero gagawin ko po ang dapat kong gawin para pag uwi ko with crown po,” sambit niya.

READ: Herlene Budol, tampok sa malaking billboard sa EDSA

Hiling na lamang ng maraming pageant fans na nasa ligtas na kalagayan sana ngayon ang mga kandidata.