• Home
  • Fresh Scoops
  • Albie Casiño believes that the concept of marriage might be outdated.

Albie Casiño admits he is not the marrying type of guy

Albie Casiño believes that the concept of marriage might be outdated.

Albie Casiño admits he is not the marrying type of guy-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/10/2022 11:00 AM
Albie Casiño admits he is not the marrying type of guy
Photo credit to @thestallion09 Instagram

Diretsahang inamin ni Albie Casiño sa PUSH at sa ilang members of the press sa ginanap na virtual conferene ng pelikulang Call Me Papi na hindi siya ang tipo ng lalaki na iniisip magpakasal.

“Siguro at this point in my life, hindi talaga ako sure. I’m not really… Feeling ko kasi medyo outdated yung concept ng kasal. I don’t know, I don’t want to get into it,” paliwanag ng Kapamilya hunk.

Ayon pa kay Albie, meron siyang mga kilalang mag-asawa na naging maayos naman ang pagsasama pero hindi daw kasiguraduhan na kapag nagpakasal kayo ay magiging ganun din ang resulta.


Aniya, “Hindi ako sure so much. Pero I believe marriage can work. Pero I don’t know if marriage is going to work for me.”

Ang Call Me Papi ay isang barkada movie kaya pinush namin ang mga tanong kay Albie na pangkaraniwang napag-uusapan ng mga magto-tropa.

BASAHIN: Albie Casiño, ibinahagi ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae

Una, dumaan din ba siya sa stage na puro sex capades kanilang topic sa kuwentuhan o inuman?

Nakangiting sagot ni Albie, “Alam mo, based on my experience, kahit naman po ata sa mga babae they talk about their sexcapades hindi lang naman exclusively sa lalaki yon. Totoo nangyayari talaga yung mga ganyan.

“Pero ako, hindi ako masyadong nakikipag-ano sa ganun. Hindi ako masyadong makuwento. Siguro nung younger ako, oo. Pero ngayon na older na ako parang hindi na siya yung nagiging topic namin maasyado. So feeling ko you outgrow that stage. Ngayon mas nagiging topic ang pera, kung anong magandang negosyo.”

Ikalawa, importante ba sa kanya ang virginity ng babaeng makakarelasyon?

“Since you’re talking about virginity, I think, it equates also to ‘body count.’ Ako talaga, nasa firm belief ako na it’s none of your business who your girl’s been with in the past, what she’s done in the past, di ba?

“Of course, if there are red flags, there are red flags. It’s not a good idea to disregard red flags. Pero when it comes to things like that, being a virgin… I really don’t think that matters,” sagot ng binata.

BASAHIN: Albie Casino, aminadong nahirapan sa pagbabakasyon sa first love scene niya

Para kay Albie, mas okey na bigyan ng pansin ng magkarelasyon ang present and future nila kesa mag-dwell pa in the past or sa isyu ng virginity.

“I don’t know. Maybe, that’s just me. For me, if I’m dating someone, the only thing that matters is the two of us and the future, how we move forward, and not what happened before. It’s not a big deal for me,” paliwanag niya.

Kasama ni Albie sa Call Me Papi sina Enzo Pineda, Lharby Policarpio, Royce Cabrera, at Aaron Concepcion. Gagampanan nila ang mga karakters ng mga working men na nakatira sa iisang apartment sa Manila.

“Na-realize ko nakaka-relate ako sa lahat ng character. Parang each character has something I can relate to. Pero if I have to pick one, of course, feeling ko mas naka-relate ako sa character ko because I played him, eh. Parang marami ring similarities yung nakikita ko sa sarili ko with my character.

“He’s always stressed about something. Like, when I got older, I just feel like I’m so much more stressed now. There’s so many things to be stressed about. I can relate to all of them naman but I can relate to my character the most,” pagbabahagi ng Kapamily actor.

Ipapalabas ang Call Me Papi na idinirek ni Alvin Yap sa mga sinehan sa December 7.