• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa daw nakakausap ni Ara Mina si Sunshine Cruz o si Macky Mathay mula nang lumabas ang hiwalayan isyu.

Ara Mina personal na kakausapin sina Macky Mathay at Sunshine Cruz sa isyu ng hiwalayan

Hindi pa daw nakakausap ni Ara Mina si Sunshine Cruz o si Macky Mathay mula nang lumabas ang hiwalayan isyu.

Ara Mina personal na kakausapin sina Macky Mathay at Sunshine Cruz sa isyu ng hiwalayan-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/01/2022 05:34 PM
Ara Mina personal na kakausapin sina Macky Mathay at Sunshine Cruz sa isyu ng hiwalayan

Half-brother ni Ara Mina si Macky Mathay sa father side. Si Sunshine Cruz naman ay malapit na kaibigan ng aktres. Ayon sa award-winning actress, ramdam niya na may pinagdadaanan ang dalawa pero ayaw niya itong panghimasukan.

“Ano bang pino-post nila ngayon? Hindi na ako updated eh,” pabiro niyang pahayag. “Well, sa isang relationship naman talaga normal lang naman na may ano. Kahit naman kami ni Dave minsan nag-i-LQ kami or something.

“But I really don’t know. I haven’t talk to Shine, I haven’t. Kasi sobrang busy nga ako. Gusto ko kasi pag nakausap ko sila personal. Basta nagme-message lang ako, may naririnig ako, ganun, ‘I hope you guys are fine.’


“Tapos si Shine naman busy sa lock in taping at si Macky sobrang busy bilang councilor sa San Juan. I’m asking na kami ni Shine mag-get together after her lock-in at si Macky naman pag hindi siya masyadong busy, magkikita kami ni Dave, Macky, ako.

“Mas maganda kasi marinig ko nang personal yung both sides kung anuman yung pinagdadaanan nila kung meron man,” dire-diretsong pahayag ni Ara.

BASAHIN: Ara Mina nasa billboard ng Times Square sa New York

Nakausap ng PUSH si Ara sa pocket presscon ng pelikulang Katok mula sa direksyon ni Joven Tan. Streaming na ang Katok sa AQ Prime para sa kanilang Holloween offering.

Ikinagulat ba niya ang isyu ng hiwalayan nina Macky at Sunshine?

“Yes… Siyempre. Dumating din naman sila sa point na nag-aaway sila alam ko, pero hindi lang lumabas sa media. Eto siguro dahil busy si Macky at si Shine, siguro time for each other yung nawawala.

“Sana maging maayos lahaat kasi hindi rin biro yung six years. And ako naman kasi, basta mag-pray lang, and ang ano ko kung destined sila for each other kahit anong mangyari sila pa rin. Nasa pag-uusap lang yan nang maayos,” tugon ni Ara.

Patuloy niya, “Kung anuman yung pinagdadaanan nila I really don’t know yung puno’t dulo. Pero ramdam ko na parang may pinagdadaanan. Hindi ko lang nababasa yung mga post nila, pino-forward lang sa akin. Ayokong mag-conclude.”

Eh, sila ba ng asawa niyang si Dave Almarinez ay nag-away na after nilang ikasal a year ago?

“That’s normal!” mabilis niyang sagot. “Walang perfect na couple. Actually, minsan yung pinag-aawayan namin sobrang small things pero pina-patch-up din namin.

“Kasi ako di ba, nasanay ako for the longest time na independent. Minsan nakakalimutan ko na may asawa ako. Parang, ’Ay oo nga pala kailangan ko nga palang ikonsider yung asawa ko, may asawa na pala ako.’ Yung mga  ganun.

“Very ano kasi si Dave, mas clingy sa akin, yung attachment niya talagang gusto niya lagi akong kasama even sa business. Nagiging careless lang ako and hindi ako sensitive na may asawa ako. Do’n kami nagkakaroon ng mga pity quarrels. Kasi siya, konting ano lang maa-appreciate niya. Konting asikaso mo lang big thing na sa kanya yon talaga kasi siyempre wala na siyang parents at isa lang ang kapatid niya, so talagang longing siya for a family,” pagtatapat ni Ara.

BASAHIN: Ara Mina binigyan ng intimate surprise birthday dinner ang asawang si Dave Almarinez

Kaagad din daw niyang sinusuyo ang asawa pag nag-aaway sila.

“Siyempre nilalambing, ‘Sorry, sorry na. I love you asawa ko,’ ganun. Kasi hindi porke’t naka isang taon na kayo ano yan, eh, marami pa kayong madi-discover sa isa’t isa. It’s still adjustment, kumbaga magho-hold din sa inyo yung marriage.

“Dapat pag nagpakasal ka tanggap mo na may risks, may challenge and you have to be strong. And ako, katulad ng sinasabi ng iba, minsan ang relationship or ang marriage sa babae yan. Kunyari pag nagkahiwalay kayo, ibig sabihin talaga ayaw na ng babae. Pero siyempre, case-to-case basis pa rin naman yan,” huling pahayag ng aktres sa PUSH.