• Home
  • Fresh Scoops
  • Well-adjusted na nga ba si Sue Ramirez sa Long Distance Relationship nila ni Javi Benitez?

Sue Ramirez, ibinahagi ang sikreto sa steady LDR status nila ng boyfriend na si Javi Benitez

Well-adjusted na nga ba si Sue Ramirez sa Long Distance Relationship nila ni Javi Benitez?

Sue Ramirez, ibinahagi ang sikreto sa steady LDR status nila ng boyfriend na si Javi Benitez-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/09/2022 11:29 AM
Sue Ramirez, ibinahagi ang sikreto sa steady LDR status nila ng boyfriend na si Javi Benitez

Sa kabila ng kaniyang hectic schedule, hindi itinanggi ng Kapamilya star na si Sue Ramirez na happy and contented ang lagay ng kaniyang buhay pag-ibig ngayon. 

Sa naging panayam ng PUSH kay Sue sa naganap na launch ng kaniyang latest endorsement as newest Silka lady, ibinahagi ng aktres na Long Distance Relationship (LDR) ang status nila ng kaniyang actor politician na boyfriend na si Javi Benitez. 

Si Javi ay ang current mayor ng Victorias City sa Negros Occidental at kasalukuyan rin na nanatili roon upang gampanan ang kanyang pagiging public servant. 


Ayon kay Sue, she’s making herself busy ngayon sa kabi-kabilang showbiz commitments habang busy rin ang kaniyang actor-politician boyfriend sa serbisyo publiko. 

RELATED LINK: Sue Ramirez, mapapasabak sa aksyon sa upcoming Kapamilya series, ‘Iron Heart’

“Ganun rin naman. Busy rin naman si Javi [Benitez] which is a good thing,” bungad ni Sue sa atin. 

Aniya, busy man at LDR ang estado ng kanilang relationship, nagkakaintindihan naman aniya sila ng kanyang boyfriend. 

“Well just recently, kapag puwede kaming magkita, magki-kita kami. Siguro ‘yun na rin ang understanding naming. Medyo matagal na rin kaming LDR. Kasi nga he has to be based na doon sa Negros because of the politics,” sambit ng aktres. 

Pagpapatuloy pa niya: “He ran for mayor. So ako, tanggap ko na ‘yun and na-mindset ko na ang sarili ko and na-practice ko na ‘yun. Siyempre, hindi naman tayong hindi pwede mag-adjust sa pagbabago ng panahon and kailangan marunong tayog mag-adapt.”

Aminado si Sue na kahit na nagkakaintindihan sila ni Javi, kailangan niyang mag-adjust sa kanilang mga priorities. Hindi naman umano madali para sa kaniya na hindi makapiling ang kaniyang boyfriend. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

“Hindi madali,” pagbabahagi ng aktres. “Ang hirap ah. ‘Yung hindi accessible ‘yung mga taong mahal mo sa buhay na hindi mo alam kung kailan mo siya puwedeng tawagan or maka-usap.”

“Siyempe busy ‘yung tao and isang buong city ang pino-problema niya and sisingit ka pa sa problema mo, so may mga ganung mga balanse na kailangan mong i-figure out kung kukulitin ko pa ba siya dito,” dagdag pa niya.

“May mga ganun siyempre. Pero ‘yun nga, at the end of the day, it’s how both of you find your ways to communicate and how you keep the love and the relationship alive. I think ‘yun lang the basic foundation of a long-distance relationship is really the communication,” ani pa ni Sue.

Dahil sa LDR status nila ni Javi, aware rin aniya si Sue sa mga hindi mamatay-matay na intriga na nakapalibot sa kanilang relasyon. Pero ayon sa aktres, mas masaya sila sa lowkey at limited na access ng mga netizens sa kanilang masayang relationship. 

RELATED LINK: Sue Ramirez, inaming hindi pa handang mag-settle down

“Actually oo, bantay sarado nga kami ngayon. Siguro hindi rin kami masyado nagpo-post palagi and alam rin naman ng mga tao na mag-boyfriend and girlfriend kami. It’s also nice na not everybody is involved with the relationship that you have,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

“Kasi, when you involved other people so much, ang dami mong naririnig, ang daming nagsasabi nawawala ‘yung train of thought mo, nawawala ‘yung balanse na dapat kayong dalawa lang ‘yung magka-usap ang dami-dami pa tuloy nakikisali so parang mas maganda na to keep it private kasi alam naman ng mga tao. Pero hindi naman kami bulgaran level,” pahayag ni Sue. 

As of this writing, nagdiriwang ng kaniyang birthday ang actor- politician na binati ng Kapamilya star sa pamamagitan ng isang short but meaningful birthday greetings na “Happy Birthday, my love” captioned ni Sue sa IG post. 

EMBED: 

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Cebu si Sue para sa shoot ng upcoming Kapamilya series na Iron Heart with Richard Gutierrez and Maja Salvador.