• Home
  • Fresh Scoops
  • May hugot si Sunshine Cruz sa social media na kaagad iniugnay ng mga netizens sa umano’y “hiwalayan” nil ani Macky Mathay.

Sunshine Cruz: ‘Some people are only meant to stay in your heart, not in your life’

May hugot si Sunshine Cruz sa social media na kaagad iniugnay ng mga netizens sa umano’y “hiwalayan” nil ani Macky Mathay.

Sunshine Cruz: ‘Some people are only meant to stay in your heart, not in your life’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/09/2022 06:58 PM
Sunshine Cruz: ‘Some people are only meant to stay in your heart, not in your life’
Photo Credit: @sunshinecruz718 on Instagram

Makahulugan ang bagong post ni Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account nitong Sunday, October 9, 2022. 

Bagama’t wala pa ring naging pag-amin hanggang ngayon mula sa aktres at sa kampo ng boyfriend niyang si Macky Mathay sa totoong estado ng kanilang relasyon, ikinokonek ng netizens na may kaugnayan ang isang post ng aktres sa umano’y “hiwalayan” nila ni Macky.


“Some people are only meant to stay in your heart not in your life,” simulang bahagi ng post ng aktres. 

Pagkatapos ay sinundan pa niya ito ng mensahe  tungkol sa pagle-let go.

“People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly. For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control,” aniya.

“What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on. A blessed Sunday to all,” dagdag pa niya.

Read: Sunshine Cruz sparks breakup rumors after unfollowing Macky Mathay on Instagram

Matatandaang naging maugong ang balitang hiwalay na ang magkasintahang pagkatapos i-unfollow ng aktres ang half-brother ni Ara Mina sa kanyang Instagram account.

Sa isang post noon ni Sunshine sa kanyang Facebook account ay ibinahagi rin ng aktres ang kanya raw mga realizations habang nasa lock-in taping ng isang teleserye.

“I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best,” ani Sunshine.

“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way,” dagdag pa niya.

“So much blessings are being given to me and my family after all. Wala akong karapatang mag reklamo. (praying hands at heart emojis),” lahad niya.

Ang huling post ni Sunshine na magkasama sila ni Macky ay noon pang Agosto 27 habang nasa 18th birthday sila ni Sam na anak ni Sunshine kung saan present din ang ex-husband nitong si Cesar Montano.

Pero kapansin-pansin na nitong 21st birthday ng anak ng aktres na si Angelina Isabel ay wala  si Macky. Present naman ulit si Cesar kasama ang kanyang girlfriend na si Socorro Angeles at ang tatlo nilang anak na dalawang lalaki at isang babae.

Read: Sunshine Cruz thanks Macky Mathay for being the best father figure to her kids

Nakapagtataka rin kung bakit wala man lang post ng pagbati ang konsehal ng San Juan para sa kaarawan ni Angelina Isabel. 

Nang mga sumunod na araw ay nag-post din si Sunshine Cruz ng version niya ng kantang Someone That I Used To Love na kaagad na nag-viral sa social media at ngayon ay more ng more than 3 million views.

Ipinapalagay ng marami na may kaugnayan ang naturang kanta sa present status ng personal na buhay ngayon ni Sunshine.