• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasalukuyan ngayong nasa Bali, Indonesia ang Pinay beauty na si Roberta Tamondong para sungkitin ang first ever golfers crown para sa Pilipinas.

Miss Grand PH Roberta Tamondong, may pakiusap sa Pinoy pageant fans

Kasalukuyan ngayong nasa Bali, Indonesia ang Pinay beauty na si Roberta Tamondong para sungkitin ang first ever golfers crown para sa Pilipinas.

Miss Grand PH Roberta Tamondong, may pakiusap sa Pinoy pageant fans-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/09/2022 07:21 PM
Miss Grand PH Roberta Tamondong, may pakiusap sa Pinoy pageant fans
Photo Credit: @roberta.tamondong on Instagram

Umarangkada na sa Bali, Indonesia ang pambato ng Pilipinas sa 2022 Miss Grand Interntional beauty pageant. 

Si Roberta Tamondong ng San Pablo Laguna ang kinatawan ng Pilipinas sa Thai-based beauty pageant. 

Departure look pa lang, nagpa-wow na ang Pinay beauty in her red outfit na nagpa-angat ng kaniyang kagandahan. 


 

 

Sa kaniyang pagdating sa host country ng 2022 Miss Grand International, sunod-sunod na pageant activities na ang sumalubong sa Pinay beauty. Hindi naman nagpaawat sa kaniyang pangangabog ang kandidata.

From sashing ceremony to sponsors gala night, todo sa pag awra ang Pinay beauty na nagpa-wow sa maraming pageant fans. 

 

 

 

Bukod sa pinaghandaan at pasabog outfit of the day ng Pinay beauty, isa rin sa ibinigay na clue ng kandidata ang dapat abangan sa kaniyang national costume. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

 

Nagbigay rin ng pahayag ang Pinay beauty sa napipintong pag-alis ng Thai-based pageant organization sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Read: Did ‘Binibining Pilipinas’ lose Miss Grand International franchise?

“I’m surprised, too, because I haven’t heard anything from the organization yet. But you know I’m still a Binibini whatever happens,” sambit ni Roberta sa panayam ng PUSH.

“I will take this fully by heart and once a Binibini always a Binibini and I am a product of Binibining Pilipinas Grand International,” patuloy ng dalaga.

Mainit man ang usapin na ito sa pagitan ng dalawang pageant organizations, mas focused aniya ngayon ang Pinay beauty sa nalalapit niyang laban this October 25. 

Bukod pa dito, aware rin aniya ang kandidata sa kaliwa’t kanan na bashing na ipinupukol sa organization at sa mga mismong kandidata ng pageant organization. 

“I’m just taking it one step at a time. Whenever when I’m on my phone scrolling through social media, I can see one or two negative comments about me,” aniya.

Dagdag pa niya: “It’s just a matter of how you handle it but you know, I handle it with poise and elegant that I don’t reply to them directly.”

Thankful rin si Roberta sa mga pageant fans na patuloy ang suporta sa kaniya at sa kaniyang gagawing laban para sa Pilipinas.

“You know, there are people supporting and defending me behind my back and I am super grateful for them,” saad niya.

Sa huli, isa lang ang pakiusap ni Roberta sa pageant fans: “This is a time for us to merge and also be kind and spread positivity,” pahayag nito.

Kung papalarin si Roberta Tamondong, siya ang magiging unang Filipina beauty na makakapaguwi ng golden crown sa Miss Grand International.

This October 25 gaganapin ang coronation night ng Miss Grand International sa Bali, Indonesia.