• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Joshua Garcia, mahilig aniya magbigay ng advice si Daniel Padilla.

Joshua Garcia inilarawan na ‘parang Kuya’ si Daniel Padilla

Ayon kay Joshua Garcia, mahilig aniya magbigay ng advice si Daniel Padilla.

Joshua Garcia inilarawan na ‘parang Kuya’ si Daniel Padilla-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/09/2022 07:06 PM
Joshua Garcia inilarawan na ‘parang Kuya’ si Daniel Padilla
Photo Credit: @garciajoshuae on Instagram

Real-life brother. Ganito kung ilarawan ni Joshua Garcia ang kapwa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Kamakailan lang, present si Daniel Padilla sa naganap na birthday celebration ni Joshua Garcia kung saan kasama rin ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Daniel Miranda, Kyle Echarri, LA Tenorio at Zanjoe Marrudo.

 


 

Sa isang online interview ng PUSH at Cinema News kay Joshua sa bahagi ng promotion ng pagsisimula noon ng Darna kung saan bida ang aktor, inilarawan ni Joshua ang nabuo nilang pagkakaibigan ni Daniel Padilla.

“Isa ‘yun sa proud moments ko in showbiz,” ani Joshua sa panayam. 

 

 

Ayon sa aktor, nagsimulang maging click ang kanilang friendship ni Daniel nang magsama sila sa 2016 movie ng KathNiel na Barcelona: The Love Untold kung saan bahagi si Joshua.

“Proud moment ko talaga ‘yun. Si DJ parang kapatid ko, Kuya ko talaga. Barcelona pa lang,” ani Joshua. 

Bilang bagito noon sa showbiz, aware aniya siya sa binubuong kompetisyon ng mga fans sa pagitan nila ni Daniel. Pero para kay Joshua, hindi ito naging dahilan para hindi maging tunay ang pagkakaibigan nila ng kapwa Kapamilya actor.

Read: LOOK: Joshua Garcia’s intimate birthday celebration

“Before parang may competition nga no? Di kasi namin iniisip ganun may competition ‘Pag trabaho, trabaho. Gagawin namin professionally,” ani Joshua. 

Para kay Joshua, mas naging malalim pa lalo ang pagkakaibigan nila ni Daniel nang dumaan ang COVID-19 lockdown kung saan isa ang kanyang kapwa Kapamilya actor sa mga umalala sa kaniya kasama ni Kathryn Bernardo.

 

 

“Paglabas trabaho, lock-in, kita kita, ‘yun pinakapahinga. Lalabas Manila, punta Batangas. inom kaunti. Hind  lang talaga namin iniisip competition. Nanaig pagkakaibigan sa amin,” sambit ni Joshua.

Maraming bagay rin ang pinagkasunudan ni Daniel at Joshua kabilang na ang mga old school na kanta at sports gaya ng golf.
 
“Nag click kami kasi marami kami gusto na similar kami parehas mahilig sa old music, parehas kami hilig sa golf, sa sports ako din, tapos, mahilig makinig,” masayang sambit ni Joshua na aniya ay mahilig makinig sa advice.

Read: LOOK: Daniel Padilla, Joshua Garcia, and Zanjoe Marudo enjoy playing golf together

“Okay sa akin. Pinapayuhan ako. Si DJ, mahilig magpayo. Di ko alam saan nanggagaling kabaitan. Lagi ako pinapayuhan,” masayang sambit ng aktor.

Bilang malapit na kaibigan, madalas rin aniya magbigay payo si Daniel sa kanya. 

 

 

“Mahilig ako makinig. Nakikinig ako sa kaniya sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin. ‘Yun lang kaya nangyari siguro na bakit nga ba kayo nag click, naging  magkaibigan, magkapatid,” pahayag ng actor.

Dagdag pa niya: “Ayun, masaya naman ako kung ano mayroon kami ni Daniel,” pabirong sambit ng aktor sabay sundot ng “Sa amin na lang yun (laughs) kala mo kami (laughs) kung ano nakikita ng tao yun na ‘yun.