• Home
  • Fresh Scoops
  • Well-adjusted na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa moods ng isa’t isa.

‘11 years is not a joke’: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ang ups and downs ng KathNiel

Well-adjusted na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa moods ng isa’t isa.

‘11 years is not a joke’: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ang ups and downs ng KathNiel-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/09/2022 11:36 AM
‘11 years is not a joke’: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ang ups and downs ng KathNiel
Photo credit: @supremo_dp Instagram

11 strong years. Hindi maitatanggi ng Kapamilya tandem na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi biro ang eleven years na kanilang pinagsamahan as onscreen couple

Ang tambalan ni Kathryn at Daniel ay unang nabuo noong 2012 sa successful Kapamilya project na Princess And I na nasundan pa ng mga matatagumpay na pelikula at iba pang ABS-CBN projects. 

Bukod sa kanilang pinapangalagaan na tambalan, nabuo na rin ang matamis na pagtitinginan sa pagitan ni Kathryn at Daniel na sampung taon na as real-life boyfriend and girlfriend.


Kaya naman, sa bahagi ng kanilang naging panayam sa naganap na thanksgiving anniversary dinner with their fans, ibinahagi ni Kathryn at Daniel sa piling miyembro ng entertainment press kung ano nga ba ang masasabi nilang sikreto ng kanilang tambalan. 

“Basta kami naman ni Deej [Daniel Padilla], parati na iba ang trabaho, iba ang kathniel, iba rin as Kath and Deej kami na boyfriend and girlfriend ‘yun ang tina-try namin,” bungad ni Kathryn. 

Ayon pa kay Kathryn, kahit na nakatutok ang maraming fans sa kanilang mga ginagawa, pinipilit pa rin nilang i-maintain ang kanilang normal na buhay as Kathryn and Daniel. 

“For how many years na artista kami yes, pero mag-boyfriend and girlfriend kami na parang normal na tao, so nagpa-palan kami ng trips, dinner, so kailangan may sense ng normalcy pa rin talaga,” ani Kathryn.

Pagpapatuly pa niya: “Hindi ‘yung basta artista lang kami. And I think nakakatulog ‘yun sa amin. So kung may time kami na gumawa ng mga bagay na hindi trabaho. Gagawin namin ‘yun together and may time rin siya alone and may time rin ako alone also.”

Looking back sa kanilang first project 11 years ago, ibinahagi nina Kathryn at Daniel ang masasabi nilang first impression nila sa isa’t isa na nagbago ngayong mahigit isang dekada na ang kanilang tandem.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

“Siguro, ‘yung nakita kong difference kay Deej dati, super chill niya and then parang kung ano ang nangyari, okay lang. Tapos ngayon, parang habang tumatanda kami, sobra pala niyang perfectionist sa lahat ng bagay. Pagdating sa ilaw, pagdating sa trabaho, sa lahat dapat perfect and mas perfect pa siya sa akin and bihira ‘yun for a guy,” aniya.

“So halimbawa may eksena, tapos hindi siya masaya, so hindi siya titigil hanggang hindi niya nabibigay ang tamang emotion ganun, e before parang akala ko ‘chill lang’, ‘okay lang’ ngayon hindi na,” reveal pa ni Kathryn.

Kung ang pagiging perfectionist ni Daniel ang napansin ni Kathryn sa kaniyang partner, ang hindi nabagong work ethics aniya ni Kathryn ang napansin ni Daniel na hinangaan ng aktor sa kaniyang partner.

BASAHIN: Relasyong Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nananatiling matatag

“Si Kathryn naman ever since, very professional. Simula noong nagsisimula kami, very professional. And doon rin ako natuto eh. Nakikita ko ang work ethics niya, kung paano siya nag-tatrabaho, prepared sa lahat ng kailangan gawin unlike me, before parang dati pagdating ko doon sige bahala na,” ani Daniel.

Para kay Daniel, masasabi niyang malaki ang impact ni Kathryn sa kaniyang buhay pagdating sa kaniyang trabaho bilang isang artista. 

“Pero ‘yun naman ang maganda sa amin dalawa. Iba ang timpla namin, and I think nag-ko-complement din siya. And ‘yun binigyan talaga ako ni Kathryn ng inspirasyon na nakikita ko talaga ang work ethics na ‘yun.”

And for the past 11 years ng kanilang tandem, aminado si Daniel na hindi naging madali sa kanilang dalawa ni Kathryn ang lampasan ang ups and downs ng kanilang tandem. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

“11 years is not a joke,” sambit ni Daniel. “Doing this together, kaming dalawa, doing the same movies, ‘di ba? All the romances, hindi madaling trabaho ‘yun. Well, that’s why, lubos ang pasasalamat namin sa mga fans. Kasi may tendency na manawa ka eh, ‘di ba? But still andito tayo ngayon, nag-interview tayo nagbabatian tayo ng happy anniversary and happy 11 years,” patuloy ni Daniel. 

Sa loob rin ng 11 years ng KathNiel, hindi rin itinanggi ni Daniel na extra challenge rin sa kanilang dalawa ni Kathryn ang mag-maintain ang kilig sa kanilang mga proyekto.  

“Sa part namin ni Kathryn, hindi rin naging madali sa amin kasi hindi nga kami magkasamasa sa trabaho, sa totoong buhay, magkasama kami every day and tapos nag-ta-trabaho kami you know kasi doon lumalabas ‘yung craft na ginagawa namin, kasi ‘yung mga napapanood niyo ako at si Kathryn but at the same time we are playing characters so, you know this is not a joke and we are very thankful na nandito pa rin kami hanggang ngayon.” 

BASAHIN: Kathryn Bernardo affirms her love for Daniel Padilla on his 27th birthday: ‘You and I are always in sync’

Paliwanag pa ni Daniel: “Can you imagine ano pa ba ang hindi namin nagagawa? Kahit ngayon sa I, ganun pa rin ang timpla namin. Pero siyempre, matured lang ng kaunti kasi ‘yung characters rin naman namin. Pero siyempre, iba na rin ang timpla namin sa mga ginagawa ng mga love teams ngayon.”

Bukod sa usapin ng healthy work relationship, isa rin sa ibinahagi ni Kathryn at Daniel ang pag-maintain nila ng healthy relationship nila as normal couple. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

“Siguro kailangan namin pareho tantyahin ‘yung mood ng isa’t isa especially sa umaga,” ani Kathryn. “Kasi kunwari, first scene, kailangan bumubuwelo ka pa, kailangan maintindihan niyo rin ang isa’t isa kasi walang ibang makaka-intindi, so kailangan may isang mag-a-adjust,” pagbabahagi ni Kathryn.

Dagdag pa niya: “So, kung nakita mo na medyo masama ang gising or ako ‘yung masama ang gising, siya ang mag-balance. Kailangan ng ganun kasi kung pareho kaming masama ang gising boom! Walang makukunan for the entire day. So kailangan, matutunan mo rin ‘yun.”

Well-adjusted na rin sa moods ni Katrhyn si Daniel na aniya’y kabisado na niya.

“Kaya rin umabot ang relationship namin ng ganito because it’s not fun and games any more na smile-smile lang kami, nag-a-away rin naman kami,” masayang revelation ni Daniel. 

Patuloy ng aktor: “Doon sa lock in, kasi may kasamang pagod na rin naman kasi unlike sa bahay, may space, oo nagkikita rin naman kami and hindi naman masama ‘yun. Pero kasi, ibang usapan ‘yung may kasamang trabaho may kasama rin na mentally drained, emotionally, physically drained ka na.

Dagdag pa niya: “Minsan si Kathryn pag-alam kong bad mood siya, hindi ko naman siya ina-ano rin gets ko rin naman ‘yun. Kasama talaga ‘yun isang magandang rekados rin kasi ‘yun ng isang relationship, hindi pwedeng isang rekado lang na masaya lang tapos ‘yun na iyon, walang lalim ang relasyon and wala kayong matututunan kapag wala ‘yun.” 

Sa ngayon, abala sina Kathryn at Daniel sa kanilang hit series na 2 Good 2 Be True na napapanood sa iba’t ibang Kapamilya platforms.