• Home
  • Fresh Scoops
  • Humataw ang anak ni Melai Cantiveros na si Mela sa kanyang ‘Chicken Nuggets’ dance.

PANOORIN: Anak ni Melai Cantiveros, humataw sa sariling ‘Chicken Nuggets’ dance video

Humataw ang anak ni Melai Cantiveros na si Mela sa kanyang ‘Chicken Nuggets’ dance.

PANOORIN: Anak ni Melai Cantiveros, humataw sa sariling ‘Chicken Nuggets’ dance video-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/08/2022 11:00 AM
PANOORIN: Anak ni Melai Cantiveros, humataw sa sariling ‘Chicken Nuggets’ dance video
Photo credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Kung may “Chicken Noodle Soup” na kanta ang BTS member na si J-Hope, may Chicken Nugget Song naman ang panganay na anak ni Melai Cantiveros na si Mela.   

Game na ginawan ng steps ng anak ni Melai na si Amelia Lucille o mas kilala bilang Mela ang isang kanta na ginawa para sa kanya.

Nag-viral ang panganay na anak ni Melai Cantiveros dahil sa isang video na ikinatuwa ng maraming netizens. 


Sa nasabing video na ipinost ng isang netizen, makikitang ang nakakagulat na reaksiyon ng anak nang malaman na chicken nuggets ang kanilang ulam. 

BASAHIN: PUSH X LIFESTYLE: Melai Cantiveros shares tips on sustaining fun and warmth at home amid lockdown

Kinaaliwan naman ito ng maraming netizens dahil sa nakakatawang reaksiyon ni Melai sa sarili niyang anak. 

“The only thing better than one Melai ARE THREE MELAIS hahaha thank you universe,” caption ng netizen na si @vinceliban sa nasabing tweet. 

Kaya naman ilang araw lang matapos mag-viral ang video ni Melai at ng kanyang dalawang anak, ginawan ito ng kanta ng Kapamilya singer na si JMKO. 

Proud namang ibinahagi ni Melai ang video sa kanyang Instagram account kung saan makikitang sumasayaw ang kanyang anak na si Mela na humataw sa kanyang sariling steps. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

“Hahahhaahahha tawang tawa ako bilang nanay at xmpre Thank you very much @jmko_music sa pa music mu at Thank you dn sa mga netizens tawang tawa ako bakit nagkaroon na ng kanta  so hayan sinayaw na ni Melai2 hahahha kasi si Stela si Melai3 ,” ani Melai. 

Dagdag pa niya: “Iba kayu mag interpret mga netizens pati ako nalito nga hahahhahahah Char lang heeheheheh sa mga natuwa kay Ate Mela thank you sa mga nainis Apir tayu  nakakgigil nadn ang reaction nya kasi  Hayan na nga Game na Game cyang sumayaw at nahappy cya na ginawang kanta ang ka oahan nya hahahahhaha.”