• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nakapagpigil si Chie Filomeno na sagutin ang isang basher.

Chie Filomeno, sinagot ang isang basher: ‘Tumigil ka ng clout chaser ka’

Hindi nakapagpigil si Chie Filomeno na sagutin ang isang basher.

Chie Filomeno, sinagot ang isang basher: ‘Tumigil ka ng clout chaser ka’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/08/2022 09:15 AM
Chie Filomeno, sinagot ang isang basher: ‘Tumigil ka ng clout chaser ka’
Photo credit: @chiefilomeno Instagram

Muli na namang nag-trending ang Kapamilya star na si Chie Filomeno dahil sa “on fleek” nitong look para sa kanyang driver’s license. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Matatandaang naging usap-usapan noon ang kuha kay Chie sa kanyang passport na kinainggitan ng marami dahil sa kanyang almost perfect na look. 


Bagama’t marami ang natuwa sa kuha ni Chie, may ilan ding hindi napigilan ang kanilang mga sarili sa pambabash. 

LOOK: Chie Filomeno marks 25th birthday with sexy shoot

Sa isang post ng Manila Bulletin kung saan tampok ang ipinost na driver’s license photo ni Chie, may isang netizen na nag-comment tungkol dito. 

Komento ng basher: “Kala ko si Ano…” Agad naman itong sinagot ni Chie at sinabing: “alam mo tumigil ka ng clout chaser ka. Let her rest in peace please.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Wala mang pinangalanan si Chie, duda ng mga netizens na si ang yumaong si Christine Dacera ang tinutukoy ng basher. Nasangkot umano ang basher sa isyu ng pagkamatay ni Christine noon. 

Paliwanag naman ng basher: “haaa? Kala ko si Nadine! Ano ba sinasabi mo?” 

BASAHIN: Chie Filomeno wants to date non-showbiz guys: ‘Para meron pa akong ibang matutunan!’

Nagpatuloy pa ito at pinuna ang pagsusuot ng hikaw ni Chie: “mas magaling ka padin naka pag earrings ka nga sa Pic Kahit bawal eh.” 

Buwelta naman ni Chie: “ayan na comeback mo? Sa passport BAWAL hikaw. Sa DL kaya wag lang sa lalaki.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Ayon sa basher: “Iba talaga pag may special treatment congratulations! Drive safely.”