• Home
  • Fresh Scoops
  • Pearl Gonzales, pinagkamalang dahilan ng paghiwalay ni Pambansang Kolokoy at ang asawa nito.

Former Star Magic artist Pearl Gonzales na-bash nang husto dahil kay Pambansang Kolokoy

Pearl Gonzales, pinagkamalang dahilan ng paghiwalay ni Pambansang Kolokoy at ang asawa nito.

Former Star Magic artist Pearl Gonzales na-bash nang husto dahil kay Pambansang Kolokoy-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/07/2022 03:39 PM
Former Star Magic artist Pearl Gonzales na-bash nang husto dahil kay Pambansang Kolokoy
Photo credit to Pearl Gonzales Facebook

Inakala ng maraming netizens na ang dating Star Magic artist na si Pearl Gonzales (dating Mary Eileen Gonzales) ay karelasyon ng sikat na vlogger/comedian na si Joel Mondina na mas kilala bilang Pambansang Kolokoy.

“Recently, na-isyu ako. Actually, nag-viral yon. Kasi akala ng tao ako yung new dyowa ni Papa Sam Kolokoy, which is hindi kasi uncle ko yun,” paglilinaw ni Pearl sa PUSH sa ginanap na mediacon para sa mga MPJ Artists ng talent management company ni director Perry Escaño

Dahil daw sa pangyayari kaya nakatikim siya ng katakut-takot na pamba-bash sa social media.


“Unang-una, hindi pala ako dapat maapektuhan, kasi una, hindi totoo. At ang mga bashers, may gawin kang mabuti, may gawin kang mali, meron silang masasabi.

“At siguro, actually, nakakasakit nga. Kasi sabi sa akin is ‘kabet,’ ‘kukunin mo lang ang pera niyan,’ ‘retokada,’ mga ganyan-ganyan. 'Tapos, yung mga nagko-comment, mga tsararat. So, yon. Huwag na lang patulan,” pahayag pa niya.

BASAHIN: Pambansang Kolokoy, wife call it quits; admits he now has a new partner

Taong 2013 nang maging Star Magic artist si Eileen Gonzales. Pero hindi nagtuluy-tuloy ang kanyang showbiz career.

Kuwento niya, “Hindi ako nabigyan ng chance… na-push. Tsaka nag-U.S. din po kasi ako. So, hindi na rin po ako nakapag-renew ng contract.

“Hindi naman ako nag-aral doon. Nagbi-visit-visit lang. 'Tapos babalik. Saka kasi nag-business din ako, eh. Nag-focus ako sa business. Skin care ang business ko, Love Mary. Own brand ko siya. Pero dito lang sa atin yung business ko.”

Taong 2018 naman nang sumali si Pearl sa Miss Global Philippines Tourism para i-represent ang Pilipinas.

“Host country tayo. The event was held sa Okada,” ani Pearl.

Pero pakiramdam daw niya ay nadaya siya sa pageant.

“Naku, gusto ko nang mag-move on doon. Kasi parang napaka-unfair talaga. Nahakot ko lahat ng awards. And then, biglang hindi ako nakapasok ng top ten which is ang tagal ng announcement noon, eh. Hindi rin makapaniwala lahat ng organizers.

“So, nangyayari talaga yun. Hindi talaga yun naiiwasan, may mga dayaan,” pagre-recall ng beauty queen.

“Kasi ganun naman ang competition, eh. May mananalo, may natatalo. Honor pa rin sa akin kasi na-represent ko ang Philippines,” dagdag pa ni Pearl.

 

 

Kahit naging masama ang karanasan sa Miss Global ay balak pa rin sumali ni Pearl sa Miss Universe Philippines sa susunod na taon.

“Oo. Sasali ulit ako. Susubukan ko ulit at paghahandaan ko talaga siya,” deklara pa niya.

Samantala special guest si Pearl sa Kumu show na Simply Exquisite hosted by Nicky Gilbert na nagsimula na noong September 29, 8 p.m.