• Home
  • Fresh Scoops
  • Isinapubliko na sa wakas ni Dawn Chang ang kanyang bagong relasyon.

Dawn Chang, ipinakilala ang bagong boyfriend

Isinapubliko na sa wakas ni Dawn Chang ang kanyang bagong relasyon.

Dawn Chang, ipinakilala ang bagong boyfriend-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/07/2022 12:17 PM
Dawn Chang, ipinakilala ang bagong boyfriend
Photo credits to @thedawnchang and @ralph_calinisan Instagram

Kinumpirma ng aktres at cast member ng seryeng Darna na si Dawn Chang ang kanyang bagong relasyon.

Sa Instagram nitong Huwebes, Oktubre 6, isang matamis na mensahe ang ibinahagi ni Dawn para sa kanyang nobyong si Atty. Ralph Calinisan para sa kaarawan nito.

“Para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko. Maligayang kaarawan saiyo. May God continue to protect and guide you dahil napakabuti ng puso mo. Kasama mo ako sa kahit na anong laban. Mahal kita,” ani Dawn sa kanyang post.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dawn Chang (@thedawnchang)

Samantala, nag-post din ang kanyang nobyo ng isang espesyal na mensahe para kay Dawn.

“Para sa prinsesang matiyagang umuunawa, nagtitiis at sumusuporta sa aking mga tinatahak, maraming salamat. Malupit ang super powers mo, at napagtiyagaan mo ako. Dawn talaga ako sa huwarang kabiyak. Mahal kita,” ani Calinisan.

Ayon sa kanyang Instagram bio, si Calinisan ay isang public interest lawyer at certified public accountant o CPA. Parte rin siya ng People’s Law Enforcement Board ng Quezon City government bilang executive officer.

Bukod dito ay abogado rin siya ni Dawn. Siya ang tumayong legal counsel ng aktres nang magkabanggaan sila ng talk show host na si Cristy Fermin noon lamang Pebrero.

READ: Dawn Chang’s lawyer demands public apology from Cristy Fermin: ‘Isang malaking kabastusan po ang ginawa mo’

Matatandaang bago si Calinisan ay naka-relasyon ni Dawn, 33, ang aktor na si Justin Cuyugan. Tumagal din ng apat na taon ang kanilang relasyon bago sila tuluyang naghiwalay noong 2021.