• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano kaya ang hinahanap ni Lyca Gairanod sa magiging boyfriend niya?

Lyca Gairanod inaming ‘No Boyfriend Since Birth’ at 17

Ano kaya ang hinahanap ni Lyca Gairanod sa magiging boyfriend niya?

Lyca Gairanod inaming ‘No Boyfriend Since Birth’ at 17-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/06/2022 03:50 PM
Lyca Gairanod inaming ‘No Boyfriend Since Birth’ at 17
Photo credit to @lycagairanod.1 Instagram

Bukod sa pagiging singer ay unti-unti na ring pinapasok ni Lyca Gairanod ang pag-arte sa pelikula. Kasama si Lyca sa mystery-horror movie ng Viva Films na Mary Cherry Chua na pagbibidahan ni Ashley Diaz na anak naman ng aktor na si Joko Diaz.

Sa digital storycon ng pelikula ay ikinagulat ng ilang invited members ng press ang pag-amin ng singer na isa siyang NBSB o no boyfriend since birth.

“Wala pa po, eh,” natatawa at tila nahihiyang pahayag ng 17-year-old singing champion ng The Voice Kids Philippines season 1.


Ayon pa kay Lyca, hindi naman daw siya nagmamadali na magkaroon ng boyfriend. Pero sana raw, ang gusto niyang karelasyon ay yung maiintindihan siya at susuportahan din ang kanyang mga ginagawa para sa pamilya.

Aniya, “Nasa tao naman po yon. Kung susuportahan ako ng magiging boyfriend ko sa lahat, hindi siya magiging dahilan para matigil ang mga ginagawa ko para sa pamilya.”

BASAHIN: Lyca Gairanod reacts to being dubbed as the 'Meme Queen'

Eh, sino ba ang natitipuha niya ngayon sa mga kabataang male celebrities? Totoo bang crush pa rin niya si Daniel Padilla na crush na rin niya noong bata pa siya?

Natawa lang si Lyca at hindi na sinagot ang tanong. Pero panunukso ng press, what if manligaw sa kanya si Daniel?

“Naku, wala pong chance!” mabilis na sagot ni Lyca na sinundan ng malakas na tawa.

Giit pa ng dalaga, “Wala po akong chance. Kung walang Ate Kathryn (Bernardo)! Pero grabe po sila, talagang bagay na bagay. Fan na fan po ako ng KathNiel!”

Samantala, masaya ring ibinalita ng singer na okey na ang kundisyon ng kanyang tatay matapos itong ma-stroke noong April 2022.

BASAHIN: Lyca Gairanod becomes emotional upon seeing her father in the hospital

“Nakakausap na po namin siya nang maayos. Hindi po tulad noong una na hindi po siya masyadong nagsasalita, but now, alam na po namin kung gusto na niya kumain.

“Nasa bahay na po siya. Sabi po kasi ng doktor niya, mas magandang nasa bahay si Father para mas maging positive siya, masaya lang, at nakikita niya kami araw-araw. Ganun po talaga ang buhay, may magaan, may mabigat. Talagang hindi po natin maiiwasan but nakayanan naman po namin.

“Basta para kay Father, talagang kakayanin. Pero ito po talaga, mas mahirap sa amin dahil first time na nangyari sa buhay ko,” kuwento niya.

Samantala, kasama rin sa cast ng Mary Cherry Chua sina Kokoy de Santos, Joko Diaz, Alma Moreno, Abby Bautista, at Krissha Viaje. The film is  written and directed by Roni S. Benaid.