• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi daw dumedepende si Korina Sanchez kung sino at ano ang hot issue ngayon para sa kanyang mga interbyu.

Korina Sanchez may mensahe para kay Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero

Hindi daw dumedepende si Korina Sanchez kung sino at ano ang hot issue ngayon para sa kanyang mga interbyu.

Korina Sanchez may mensahe para kay Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/06/2022 06:54 PM
Korina Sanchez may mensahe para kay Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero
Photo credits: NET25's YouTube video and Love Marie Escudero's YouTube channel

Ayon sa broadcaster-TV host na si Korina Sanchez, marami siyang napupulot at bagong natututunan sa kanyang mga naging past interviews. Tulad na lang daw nung makatsikahan niya sina Dra. Vicki Belo, Sen. Loren Legarda, Raymond Bagatsing, at Sylvia Sanchez.

Hindi rin daw siya dumedepende kung sino at ano ang hot issue ngayon tulad na lang sa isyu nina Heart Evangelista at sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero o kaya ay itong kay Vhong Navarro at Deniece Cornejo.

Ibig sabihin, if in case makaharap niya si Heart ay hindi raw niya ito tatanungin kung totoong hiwalay na sila ng senador at kung totoong sa sariling condo unit na ito nakatira ngayon.


Ani Korina, “Alam mo, ako ang pinaka hindi pakialamerang babae sa mundo yata. As I've told you, I'm not really in the game of competing for who's the most controversial. I tried to be very respectful of people's circumstances.”

BASAHIN: Korina Sanchez celebrates birthday with twins Pepe and Pilar

Dugtong ni Korina, “Of course, I want to interview them. Possible rin naman na ma-interview ko si Heart na hindi namin pag-uusapan yon kung ayaw niyang pag-usapan.

“I'm really more into… really, totoo ito, ha… sa ngayon, I want positivity. Kasi kung tapos na, tapos na. Move forward na tayo. Kung masakit, huwag nating pag-usapan.”

"Hindi natin kailangang dugtungan iyan para tayo ay bumenta o panoorin. Kasi papanoorin ka pa rin naman ng tao, eh. Kung ano ang nalalaman nila na sirkumstansiya mo, at kung anuman ang gusto mong pag-usapan, papanoorin ka pa rin naman kahit di na natin kalkalin ang di na natin dapat pakialamanan,” dagdag pa ng broadcast journalist.

Hangad din ni Korina na maging maayos ang kalagayan nina Heart at Sen. Chiz.

“I really hope that everything is okay with them as a couple, or with them as individuals,” saad pa niya.

Biglang kambyo ni Korina , “Wala akong alam by the way. Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila. I think in their own time, when they are ready, I'm also ready if they want me as a mouthpiece.

“So, possible if they want to stay private, we have to respect that. Napakarami nang bagay na malungkot sa mundo, ayoko nang dumagdag don. Gusto ko masaya lang.”

BASAHIN: Korina Sanchez proud of son Pepe memorizing the 7 continents

Isa rin sa nilu-look forward niyang maka-one-on-one sa Korina Interviews ay ang asawang si Mar Roxas.

“Maraming nag-suggest na rin sa akin niyan na interbyuhin ko si Mar at sagot ko nga kinukumbinsi ko pa. Maraming nag-iimbita kay Mar na mag-guest o maging columnist pero parang ang gusto niyang role ngayon sa buhay, eh, maging tatay nina Pepe and Pilar.

“Siguro ayaw niyang sumagot ng tanong tungkol sa politika. Sige subukan natin, tingnan natin,” sabi pa ni Korina.