• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nakaramdam ng awkwardness si Gold Aceron sa intimate scenes niya with Kych Minemoto.

Gold Aceron on intimate scene with actor Kych Minemoto: ‘Laban na laban ako!’

Hindi nakaramdam ng awkwardness si Gold Aceron sa intimate scenes niya with Kych Minemoto.

Gold Aceron on intimate scene with actor Kych Minemoto: ‘Laban na laban ako!’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/06/2022 05:47 PM
Gold Aceron on intimate scene with actor Kych Minemoto: ‘Laban na laban ako!’

Hindi nakaramdam ng kahit anong awkwardness o pandidiri ang award-winning actor na si Gold Aceron sa intimate scenes niya kasama ang kapwa aktor na si Kych Minemoto sa pelikulang May-December-January na sinulat ng national artist na si Ricky Lee at idinirek naman ni Mac Alejandre.

“Sobrang kumportable ko kay Kych kasi bukod sa kaibigan ko na siya before pa lang mag-start yung May-December-January and laban na laban talaga ako nung ginawa namin yung eksena na yon,” simulang katwiran ni Gold sa ginanap na digital presscon ng pelikula.

Dagdag pa ng aktor, “Hindi ako nagdalawang isip. Walang kaba, walang takot, walang pandidiri—lahat wala. Ang nararamdaman ko that time, excited ako, focused talaga ako kung anong dapat maibigay ko na feelings or emotion that time na ginagawa namin yung intimate scene na yon. Kasi bago namin gawin yon ang daming pinagdaanan nung karakter namin sa kuwento.


“Kaya nung ginagawa namin siya naka-focus ako kung ano yung… Saan ba ito nanggaling nga pala, anong bigat nito na kailangan kong maramdaman? So ayun, hindi ko naisip yung awkwardness, eh, lalo na close talaga kami ni Kych, eh, so parang wala talaga sa akin. Go lang naman talaga ako kahit ano, eh.”

BASAHIN: Andrea Del Rosario, bida sa Ricky Lee movie project

Love for the craft at sa pag-arte ang dahilan ni Gold kung bakit wala siyang inhibitions sa paggawa ng mga intimate scenes kahit pa lalaki ang kanyang kapareha.

“Kasi mahal ko talaga ang pag-arte, eh. Sobrang love ko ang acting, eh, so go lang ako,” rason pa niya.

Si Gold ang ang nanalong best actor sa Cinema One Originals para sa pelikulang Metamorphosis noong 2019. Naging best actor din siya sa Famas at Pista ng Pelikulang Pilipino from the same movie at naging nominado naman sa Urian at Star Awards para kategoryang best actor.

Ayon naman kay Kych, katulad ni Gold, hindi rin daw siya nailang na gawin ang kanilang intimate scenes sa May-December-January.

“Ako naman, sinasaabi ko talaga lagi kay Gold kunyari nabu-brought up tapos napag-uusapan namin ‘to, sabi ko, ‘huwag na kasi nating pag-usapan.’ Kasi may mga thoughts talaga na papasok at papasok, eh. Pero yung awkward sa amin ni Gold wala rin talaga, kasi kilalang-kilala ko si Gold kung alam n’yo lang guys. As in sobrang close talaga kami ni Gold.

“Yung awkwardness kasi siguro in-apply ko siya do’n sa eksena which is yon yung kailangang hindi mawala sa straight man, eh. Si Gold naman kasi yung character niya hindi awkward, eh. Kumbaga, may gigil siya kasi matagal na niyang gusto na gawin yon sa akin.

“At saka feeling ko ang isang bagay na nakatulong kaya hindi kami na-awkward sa bawat eksena is Direk Mac (Alejandre), kung paano niya kami i-treat. Kung paano niya pagsabihan yung mga tao sa production… yung pag-alaga rin talaga, importante rin talaga yon as an actor na ma-feel mo na may respect pa rin sa mga ganung intimate scenes,” pahayag niya.

Watch the trailer:

Hindi naman maiwasang tanungin ang dalawa kung ano talaga ang kanilang sexual preference. Straight ba sila or hindi?

“Straight po ako!” sabi agad ni Gold. Katulad din daw siya ng isang normal na lalaki na naging karakter niya sa Scorpio Nights 3.

Hindi naman naging diretso ang sagot ni Kych nang tanungin about his sexuality.

Aniya, “This time, ayoko na lang po sagutin if I’m straight or not. I think, it’s not important.”

“Feeling ko, 2022 na, i-normalize na lang natin kung ano ang sexuality ng bawat isa. Kung ano iyan, alright, so be it. If hindi, so be it, kasi parang nakakapagod din na lagi po akong tinatanong ng ganyan. And ang feeling ko, hindi naman nakakaapekto ng kahit ano kung makasagot man ako o hindi.

“I’m an actor so kahit ano naman po ang ibigay sa akin na role, as long as kaya ko siyang gampanan, kaya ko siyang gawin, it’s a job,” paliwanag ng aktor.

Anyway, si Andrea del Rosario na gaganap na ina ni Gold ang magiging ka-love triangle nila sa pelikula na ipapalabas sa mga sinehan sa October 12.