• Home
  • Fresh Scoops
  • Sumabak kamakailan si Brenda Mage sa Miss Q&A Queen of the Multibeks All-Stars Warlahan ng ‘It’s Showtime.’

Brenda Mage inamin ang totoong dahilan ng muling pagsali sa Miss Q&A ng ‘It’s Showtime’

Sumabak kamakailan si Brenda Mage sa Miss Q&A Queen of the Multibeks All-Stars Warlahan ng ‘It’s Showtime.’

Brenda Mage inamin ang totoong dahilan ng muling pagsali sa Miss Q&A ng ‘It’s Showtime’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/06/2022 08:18 PM
Brenda Mage inamin ang totoong dahilan ng muling pagsali sa Miss Q&A ng ‘It’s Showtime’

Base sa mga naging pahayag ni Brenda Mage sa kanyang Facebook account ay hindi niya talaga inambisyong manalo sa muli niyang pagtuntong sa It’s Showtime stage para sa Miss Q&A Queen of the Multibeks All-Stars Warlahan. Sa unang round pa nga lang daw ng kompetisyon ay gusto na sana niyang magpatalo kaya lang naisip niya na baka akalain ng viewers na ganun siya ka-bobo kaya sinagot pa rin niya nang tama ang tanong.

Ayon pa sa dating Pinoy Big Brother housemate at komedyante, hindi rin daw totoong uhaw siya sa exposure kaya sumali siya sa contest.

“Bakit daw ako sumali sa Miss Q&A, eh, artista na daw ako tsaka mapapahiya lang daw ako pag natalo. Parang uhaw daw ako sa exposure. Hahaha! Well, tama po kayo sa lahat,” pabiro at nang-aasar niyang pahayag.


BASAHIN: Ipinatayong dream house ni Brenda Mage sa probinsya, inspired sa ‘PBB’ house

Dagdag pa ni Brenda, hindi na rin daw niya kailangan pang magpaliwanag dahil ang mahalaga raw ay masaya siya sa kanyang ginawa. Naniniwala din siyang marami siyang napasaya sa muli niyang pagbabalik sa Showtime kahit pa natalo siya sa contest.

“Kapag natalo, eh, ano ngayon? Di naman ikakababa ng pagkatao ang pagkatalo,” saad niya.

“Dati na ako natalo sa Season 2. Natalo na rin ako sa PBB. Hahaha! Ang importante masaya ako dahil sa mga suporta ng mga nagmamahal sakin,” pahayag pa ng komedyante at vlogger.

Ayon pa kay Brenda, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin niya napi-feel na isa na siyang ganap na artista kaya walang dapat ikatakot ang ibang konteserang beki sa kanya.

“My purpose of joining again sa Miss Q&A ay para matupad ang isa sa pangarap ng mga kaibigan ko na makapasok sa It’s Showtime studio. My family and best friends, with love—Gio, panalo na ako,” deklara pa niya.

Nagpahayag naman ng paghanga kay Brenda ang ibang netizens kahit pa natalo ito sa Miss Q&A Queen of the Multibeks All-Stars Warlahan.

BASAHIN: Brenda Mage: ‘Sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko yung mga nangyari that time’

Ayon sa isang netizen, “You’re still the best among the rest. Stable ka na, siikat at napaka-humble mo na tao. You love your family so much kaya you are blessed.”

“Congrats Princess. Pinasaya mo kami dahil andyan ka hindi nila napansin na wala si Meme Vice. Ikaw ang nagpuno,” wika naman ng isang netizen.

“Okey lang yan kahit natalo siya. Brenda is Brenda. Stable na siya financially. Naglilibang na lang siya at marami na rin siyang natulungan – pamilya niya,  mga kapatid at kaibigan niya,” dagdag pa ng isang netizen.