• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-apply bilang babysitter ng anak ni Zeinab Harake na si Bia si Vice Ganda.

PANOORIN: Vice Ganda, nagsilibing ‘babysitter’ ng anak ni Zeinab Harake

Nag-apply bilang babysitter ng anak ni Zeinab Harake na si Bia si Vice Ganda.

PANOORIN: Vice Ganda, nagsilibing ‘babysitter’ ng anak ni Zeinab Harake-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/05/2022 08:52 AM
PANOORIN: Vice Ganda, nagsilibing ‘babysitter’ ng anak ni Zeinab Harake
Credit from Vice Ganda YouTube Channel

Naglabas ng nakakatawang vlog si Vice Ganda kasama ang vlogger na si Zeinab Harake.

Nag-apply bilang “babysitter” ng anak na ni Zeinab na si Bia ang Unkabogable Star.

“Dahil matumal po ang negosyo ngayon sa showbiz, dahil wala pong masyadong ganap at dahil pack up ang pelikula ko, so wala din masyadong kita,” ani Vice.


“So, kinakailangan ko pong maghanap ng ibang paraan para may extra income tayo dahil lumalaki na po ang pamilya natin. Sa araw na ito, mag-aapply tayo ng trabaho. Sa outfit ko, kita naman kung ano ang a-applayan kong trabaho,” dagdag pa niya.

Ikinatuwa naman ni Zeinab nang malaman na nag-aapply si Meme Vice bilang babysitter dahil kailangan-kailangan umano niya nang mag-aalaga sa anak niya.

“Sakto kailangang-kailangan ko talaga ng magbi-babysit sa anak ko eh,” ani Zeinab.

READ: Zeinab Harake throws party for daughter Bia, gifts her with diamond necklace: ‘Kinaya ko ‘to mag-isa’

“Kasi gipit na gipit ho ako ngayon eh. Kailangan-kailangan ko ho talaga ng extra income,” paliwanag naman ni Vice.

“Alam mo, sakto, kaya kitang bayaran! Wow, kayang bayaran Vice Ganda?” ani Zeinab.

Muli namang tinanong ni Vice kung “hired” na siya. “Pwede ho ba akong mag-babysit sa anak niyo?” Sagot naman ni Zeinab: “Kung kakayin mo ang anak ko, bakit hindi naman?”

READ: Zeinab Harake marks birthday of adopted son Lucas

Ani Vice, kayang-kaya niyang gampanan ang pagiging babysitter, lalo pa’t dumaan siya sa hirap. ...

“Kaya ko naman ho. Laki naman ho ako sa hirap at tsaka napakarami ko na ho talagang pinagdaanan sa buhay. So trained na trained na ho ako sa lahat ng mga pagsubok sa buhay,” ani Vice.

Nang matanggap na sa trabaho, sinabi ni Vice na marahil ay dahil ito sa kanyang suot na outfit na may matching Jordan pa na sapatos: “Ang bilis ko namang natanggap. Siguro, it’s the looks talaga.”

Nang pumasok na si Vice sa bahay, nagpahiwatig ito na hindi siya kagaya ng mga yaya na nakukuha sa trabaho.

READ: Zeinab Harake gustong gawing ‘low key’ ang bagong love life

Ilan sa mga una niyang ginawang desisyon ang palitan ng mga plastic ang mga babasagin sa bahay upang hindi umano masaktan ang kanyang alagang bata.

Gusto din nito na kasabay kumain ang kanyang amo na si Zeinab dahil hindi umano siya kumakain sa kusina.

Isa pa sa mga requirements ni Vice bilang babysitter, dadating lang siya kapag tulog na umano ang bata at 30 minutes lang ang duty niya bawat araw.

May nakakatawang hirit naman si Zeinab kay Vice nang pumasok sila sa playroom nito: “Mahilig sa kabayo ang anak ko. Matutuwa sa’yo ‘yun,” ani Zeinab.

Panoorin ang vlog sa ibaba:

Bagama’t nahirapan noong una, naging kumportable rin kalaunan sina Vice at Bia sa isa’t-isa.