• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang dami ko pa pong gusting ma-achieve sa buhay ko,’ ani Sue Ramirez.

Sue Ramirez, inaming hindi pa handang mag-settle down

‘Ang dami ko pa pong gusting ma-achieve sa buhay ko,’ ani Sue Ramirez.

Sue Ramirez, inaming hindi pa handang mag-settle down-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/05/2022 11:22 AM
Sue Ramirez, inaming hindi pa handang mag-settle down

Hindi pa handa ang aktres na si Sue Ramirez na mag-settle down kasama ang kanyang longtime boyfriend na si Javi Benitez.

Ito ang bagay na inamin ni Sue sa panayam ng Inside News ng Star Magic nitong Lunes, Oktubre 3.


"Ang dami ko pa pong gustong ma-achieve sa buhay ko. Nagsisimula pa lang tayo, guys. Papunta pa lang tayo sa exciting part. So I say 'go, go, go,'” saad niya.

"Masyado kaming busy. Alam ko busy siya, ang dami pa niyang gustong gawin. Ang dami pa niyang gustong i-achieve. Tapos ako ganoon din ako. So I think naman at this phase we are on the same page. We respect each other's work and we support each other sa trabaho na ginagawa namin. So we're really not rushing,” giit pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ni Sue ang sikreto sa masaya at matibay na relasyon nila ni Javi.

“Steady communication talaga. Of course, LDR (long distance relationship) kami. Medyo matagal na actually. Akala ko hindi ko masu-survive pero ito, guys, buhay na buhay,” saad niya.

“Okay naman. Okay naman so far. ‘Yun lang, kailangan lang talaga balansehin ng communication. Kapag nawala ‘yun, doon magiging shaky ang mga bagay na bagay. Pero as long as communication is alive, then I think magwo-work naman.”

READ: Sue Ramirez sa kanyang boyfriend ngayon: ‘Sana ‘yun na ‘yun’

Nakatakdang bumida si Sue sa inaabangang teleserye ng ABS-CBN na Iron Heart kasama sina Richard Gutierrez, Maja Salvador, at Jake Cuenca.

Ani Sue: “Hindi ko pa nase-celebrate ito, it's out. Mayroon po akong project with Richard Gutierrez and Jake Cuenca. Excited na excited ako. Itong role ko rito, nakakaaliw ang role ko rito. Basta promise.”

READ: Sue Ramirez, mapapasabak sa aksyon sa upcoming Kapamilya series, ‘Iron Heart’

Bukod dito ay tampok din si Sue sa bagong K-Love series ng Viu kasama si Jake, Iza Calzado, Isabelle Daza, at Gabby Padilla.

Matatandaang huling bumida ang aktres sa sikat na Kapamilya serye na The Broken Marriage Vow noong Hunyo.