• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi itinanggi ni Andrea Brillantes na siya ang gumawa ng ‘move’ sa relasyon nila ni Ricci Rivero.

Andrea Brillantes, inaming siya ang nag ‘first move’ sa relasyon nila ni Ricci Rivero

Hindi itinanggi ni Andrea Brillantes na siya ang gumawa ng ‘move’ sa relasyon nila ni Ricci Rivero.

Andrea Brillantes, inaming siya ang nag ‘first move’ sa relasyon nila ni Ricci Rivero-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/05/2022 09:05 AM
Andrea Brillantes, inaming siya ang nag ‘first move’ sa relasyon nila ni Ricci Rivero
Screenshot from Andrea B. YouTube Channel

Matapang na sinagot ni Andrea Brillantes ang mga katanungan mula sa mga netizens. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Pinaunlakan ni Andrea sa unang pagkakataon ang isa sa mga matagal nang nirerequest sa kanya ng kanyang mga fans: ang isang Q&A vlog kasama ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero. 


Ibinahagi ng Kapamilya star na kinuha niya ang mga tanong mula sa kanyang fans sa Instagram at Twitter. 

Isa sa mga unang tinanong ay kung kailan sila unang nagkilala. Dito, ibinahagi ni Andrea ang isa sa mga unang beses kung saan nagkasama sila sa isang club. 

Pagbabahagi ni Andrea, hindi niya nagustuhan ang naging asta ni Ricci noong mga panahong iyon. Tinawag naman niya itong “mayabang,” “suplado,” at “akala mo kung sino” matapos matanong kung ano ang first impression niya dito. 

READ: Andrea Brillantes greets boyfriend Ricci Rivero on his birthday

Samantala, nang tanungin naman kung sino ang naglakas loob na gumawa ng first move, agad na sinagot ni Ricci na si Andrea umano ang nauna. 

“Ngayon po, itong relationship na ‘to, siya,” ani Ricci. 

Hindi naman ito itinanggi ni Andrea at agad itong inamin. 

“Oo. Dati kasi, nagchat na sa akin si Ricci sa private account ko. Nag-DM siya sa akin pero hindi ako nagreply sa kanya nung time na ‘yun. Tapos, ‘yun na nga, nagkita na kami.” 

“After nung Xylo, nag-follow siya ulit,” sagot ni Ricci. 

Ipinaliwanag naman ni Andrea na minsan na nilang inunfollow ang isa’t-isa. 

READ: Andrea Brillantes, Ricci Rivero in Siargao

“So dati, nag-follow kami sa isa’t-isa tapos nag-unfollow din kami sa isa’t-isa. Nasa IG stories ka kasi ng mga friend ko tapos ang sabi ko sa sarili ko, ‘Inunfollow ko siya dati, follow ko kaya ulit,’” ani Andrea. 

“Kasi nag-post siya ng astrology tapos sabi ko ‘Wow, you’re into astrology also’ kasi nga ‘di ba, mahilig po ako ako sa mga zodiac sign. So parang natuwa lang ako. Lalaki na mahilig sa astrology,” dagdag pa niya. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Sa nasabing vlog, sinagot din ni Andrea ang ilan pang katanungan kabilang na ang sa tingin niya ay positibo at negatibong aspeto ng pagkakaroon ng relasyon na bukas sa publiko.