• Home
  • Fresh Scoops
  • Aarangkada ang shoot ng upcoming Kapamilya series na ‘Iron Heart’ with Richard Gutierrez at Maja Salvador.

Sue Ramirez, mapapasabak sa aksyon sa upcoming Kapamilya series, ‘Iron Heart’

Aarangkada ang shoot ng upcoming Kapamilya series na ‘Iron Heart’ with Richard Gutierrez at Maja Salvador.

Sue Ramirez, mapapasabak sa aksyon sa upcoming Kapamilya series, ‘Iron Heart’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/04/2022 10:57 PM
Sue Ramirez, mapapasabak sa aksyon sa upcoming Kapamilya series, ‘Iron Heart’

All set na ang Kapamilya star na si Sue Ramirez sa upcoming Kapamilya series na kaniyang pagbibidahan kasama ang aktor na si Richard Gutierrez at former Kapamilya na si Maja Salvador na bibida sa Iron Heart.

Ayon kay Sue, recharged na siya from her vacation trip kaya naman ramdam na niya ang excitement para sa gagawing Kapamilya series.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


“Actually, magiging busy pa lang ako ulit. Kakagaling ko lang sa bakasyon and I’m recharged and I am ready to work. I’m very, very excited. There’s a fire under my butt right now, that’s very, very exciting to be working again on the set and I’ll be flying to Cebu to start working again for this new series that I’m very, very excited about,” tugon ni Sue sa naganap na launch ng kaniyang latest endorsement as the newest Silka lady.

Ibinahagi ni Sue na bago pa ang kanilang look test at iba pang paghahanda sa shoot, nakapaghanda na rin ang Kapamilya star sa gagampanan na role.

“Ngayon, basa-basa ng script, you have also na gawin mo na ang character mo but of yeah of course pagdating mo doon, you take notes from your director pero ginagawan ko ng spine ang character ko ngayon. Parang kung ano ba ang bubog niya talaga sa buhay so I just keep on reading lang and reading my script para ma-muscle memory na sa’kin ‘yung mga gagawin ko,” ani Sue.

Patikim ni Sue, mapapasabak siya sa maaksyong mga eksena sa Iron Heart.

“Nakakaloka! Maganda ‘yung role ko, hindi ko pa alam kung anong extent ang puwede kong sabihin sa inyo kaya di na lang muna ako magsasalita baka mapagalitan ako. Pero exciting ‘to, sasabihin ko na lang. Action ‘to guys,” pabirong sambit ng Kapamilya star.

Kung tatanungin rin kung handa nga ba siya sa action stunts: “Ready ako, hello… Pero sobrang excited ako talaga and yes ready ako,” masayang tugon nito.

Excited na rin si Sue sa kaniyang makakasama na sina Richard Gutierrez na co-star niya sa successful Kapamilya series na La Luna Sangre at Maja Salvador na first time niyang makakasama sa isang proyekto.

“Oo. Nakapag-look test na ‘yun pa lang so far. And naka-trabaho ko na si Richard sa La Luna Sangre so parang may background na and medyo magka-kilala na rin kami. Pero ‘yung work na parang kami lang dalawa, medyo hindi pa kami ganun ka-immersed sa isa’t isa pero excited ako kasi noong na-meet ko siya noong look test namin, sobrang bait ni Richard and also si Jake (Cuenca), kakatapos lang ng series namin sa Viu. Magkapatid naman kami doon, kaya abangan niyo guys kung anong role namin dito dahil masaya ‘to masaya tong show namin na ito.”

Bukod sa Iron Heart, isang upcoming series rin ang dapat na abangan kay Sue na mapapanood naman sa digital streaming na Viu kung saan kasama naman niya si Jake Cuenca.

Kaya naman, wala nang masabi si Sue sa overflowing blessing na kaniyang natatanggap mula sa ABS-CBN na naniwala sa kaniyang kakayahan bilang isang artista.

“Masaya. Actually, simula noong 2010, noong nagsisimula ako, nasubaybayan niyo naman ang simula ng career ko mula noong bata pa lang po ako. TMI, [Too Much Information] di pa ako nireregla, artista na ako sa ABS-CBN pero alam mo ‘yun, hindi ako nabakante and naramdaman ko talaga na hindi ako napabayaan. Sobra akong grateful sa ABS-CBN, sa lahat ng blessings, sa lahat ng learnings rin na natutunan ko through the years. And hindi ako aabot sa point na ito ng career ko kung hindi dahil sa lahat ng taong tumulong sa akin sa industriyang ito. Hindi lang sa mga co-actors ko kundi sa Star Magic and all our bosses from ABS-CBN. They’re all so willing to help each and everyone para ma-reach namin ang mga goals namin and mga pangarap namin and hindi nia kami pinapabayaan,” pahayag ng aktres.

Anytime this October, aarangkada na ang shoot ng Iron Heart na mapapanood soon sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.