• Home
  • Fresh Scoops
  • Inilabas na ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang music video para sa kanyang comeback single na “Dati Dati.”

PANOORIN: Music video ng bagong awitin ni Sarah Geronimo na ‘Dati Dati’

Inilabas na ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang music video para sa kanyang comeback single na “Dati Dati.”

PANOORIN: Music video ng bagong awitin ni Sarah Geronimo na ‘Dati Dati’-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/31/2022 03:48 PM
PANOORIN: Music video ng bagong awitin ni Sarah Geronimo na ‘Dati Dati’
Photo credit: @justsarahgph

Inilabas na ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang music video para sa kanyang comeback single na “Dati Dati.”

Matatandaang noong Oktubre 7 unang inilabas ni Sarah ang “Dati Dati.”

Isinulat at binuo ito ni Jin Chan kasama sina Su Ganade at Dylan Graham sa ilalim ng music label na Viva Records. 


Mismong si Sarah ang nag-isip ng konsepto para sa music video ng kanyang bagong awitin na ngayon ay No. 17 na sa local trending list for music sa YouTube.

Panoorin ang music video dito:

Bago ang music video ay naging usap-usapan si Sarah matapos niyang maglabas ng madamdaming mensahe para sa kanyang mga magulang na sina Divine at Delfin.

Sa kanyang Instagram account, humingi ng tawad ang singer mula sa kanyang pamilya na aniya ay labis niyang nasaktan dahil sa kanyang mga naging desisyon sa buhay.

“Sa aking mga magulang.. walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid. Lahat ng suporta at pag aaruga..ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito,” aniya.

“Mahal na mahal ko kayo…daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip.”

Matatandaang nag-ugat umano ang hidwaan sa pagitan ni Sarah at kanyang mga magulang sa biglaang pagpapakasal ng singer sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli noong Pebrero 2020.

BASAHIN: Sarah Geronimo asks for forgiveness from her parents

Sa kanyang post ay ibinahagi ni Sarah ang kanyang pangungulila, pagmamahal, at pasasalamat para sa kanyang pamilya.

“Bilang isang anak at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang pagmamahal at kapayapaan sa atin mga puso ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang tagumpay at kaligayahan. Muli, maraming salamat para sa inyong pagmamahal at para sa inspirasyon. Mahal na mahal ko kayo,” ani Sarah.

Bukod dito ay nagpasalamat din si Sarah sa kanyang Viva family at loyal Popsters sa walang sawang pagmamahal at pagsuporta sa kanya. 

“Sa aking mga Popsters na patuloy na sumusuporta sa akin bilang artist at umuunawa sa akin bilang normal na tao, napakaswerte ko sa inyo. Kayo ang unang nagbigay sa akin ng pagkakataon na mapansin bilang isang mang-aawit at artista. Maraming maraming salamat sa inyo,” ani Sarah.

Kasabay ng kanyang comeback single ay naglabas din si Sarah ng isa pang bagong awitin noong Oktubre na pinamagatang “Cuore.”