• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkwento tungkol sa kanilang love story ang magkasintahang sina Michelle Vito at Enzo Pineda.

Michelle Vito at Enzo Pineda, binalikan ang kanilang love story

Nagkwento tungkol sa kanilang love story ang magkasintahang sina Michelle Vito at Enzo Pineda.

Michelle Vito at Enzo Pineda, binalikan ang kanilang love story -Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/31/2022 03:43 PM
Michelle Vito at Enzo Pineda, binalikan ang kanilang love story
Screenshot from Michelle Vito YouTube Channel

Nagkwento tungkol sa kanilang love story ang magkasintahang sina Michelle Vito at Enzo Pineda.

Sa bagong vlog na inilabas ni Michelle, ibinahagi ng dalawa na una silang nagkakilala sa isang fashion show.

“Nagkakilala kami sa isang fashion show event sa Makati. I think I was representing Rain Dagala, and she was representing Tito Perry [Tabora],” kwento ni Enzo.


“I think I said hi to her (Michelle). Automatic naman ‘yun na when you go into a room na hindi mo kilala ‘yung mga tao, you say hi. Pero I think it was just a simple hi-hello.’”

Pagbabahagi pa niya: “First impression [ko kay Michelle] was tahimik, mahinhin, mabait, at very respectful.”

Ayon naman kay Michelle: “’Yung first impression ko talaga [kay Enzo was] parang seryoso siyang tao tapos masungit. Parang introvert na hindi siya nakikisama.”

Kwento ng aktres, ilang beses siyang inaya ni Enzo na mag-date  habang shinu-shoot ang kanilang seryeng Nang Ngumiti Ang Langit bago sila tuluyang lumabas.

“Si Enzo ‘yung unang nag-ayang lumabas. Nung time na ‘yun, ongoing pa ‘yung show namin. Nag-ilang invite siya na labas kami, kain sa labas, then nood ng sine, ganyan. Ilang beses na nag-oo ako tapos last minute, nagno-no ako. Until na ‘yun, pumayag ako one time nung birthday niya,” saad ni Michelle.

READ: Michelle Vito dedicates sweet post for Enzo Pineda’s birthday

Sa vlog ay binalikan din ni Enzo kung paano sila naging pormal na magkasintahan ni Michelle.

“We were on a date, I think nag-date ata kami sa Hyatt Hotel that time. We had dinner, then after dinner date, nag-a-‘I love you’ na kami nun pero hindi pa kino-consider pala ni Michelle na boyfriend ako dahil hindi ko pa siya tinatanong personally. Minention ni Michelle ‘yun, then I asked her formally on that night, ‘Will you be my girlfriend?’” kwento ni Enzo. 

Bukod dito ay nagkwento rin ang dalawa tungkol sa kanilang first kiss.

“First kiss namin was during a scene. … May eksena kami na dapat iki-kiss ko siya, pero daya lang. So what happened was, I accidentally kissed her sa lips. After that, nagalit siya,” kwento ni Enzo.

“Siguro type niya na ako noon,” natatawang saad ni Michelle. “May another shot pa nun, tapos tinotoo niya pa rin. As in sinikmuraan ko talaga siya after nung take. Sabi ko, ‘Ba’t mo ginawa ‘yun?’” 

Pagbabahagi ni Enzo, malaki ang ipinagbago niya simula nang dumating sa buhay niya si Michelle. 

“Sobrang laki ng difference ng relationship ko with Michelle because unang una, nag-mature ako as a man. I mean, I’m 31, but I feel that recently lang ako nag-mature talaga, nag-take up ng responsibility because of her. And mas napalapit ako kay God kasi nakikita ko sa family nila na every Sunday, sabay sabay silang nagma-mass. ‘Yun talaga ‘yung na-appreciate ko kasi nilagay talaga ako ni Michelle sa tamang daan,” sabi ni Enzo.

Kwento rin ni Michelle, nang makilala niya si Enzo ay mas humaba ang kanyang pasensya at natuto siyang mag-compromise.

“Given ‘yun na lagi ako naiinis kasi medyo mababa ‘yung patience ko eh. So sa kanya kasi, kailangan niyo talaga mag-compromise sa isa’t isa and hindi all the time na pareho kayo ng opinyon, ng gusto, so kailangan mo talaga mag-adjust [sa isa’t isa] and habaan ‘yung patience mo. Kasi if wala kang ganun, hindi ka marunong umintindi at hindi ka marunong mag-pasensya, hindi talaga magwo-work ‘yung relationship, eh.” 

Sa huli, ibinahagi ng magkasintahan kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. 

“Mahal na mahal ko siya,” ani Enzo.

Pagpapatuloy ni Enzo: “Super swerte ko kay Michelle. I mean, kahit paikutin mo man ‘yung mundo, napakaswerte kong tao kasi napakasimple, walang bisyo or anything. So naba-balance out ni Michelle ‘yung buhay ko. She always puts my feet on the ground, which I’m very thankful for.”

“Lagi ko namang sinasabi kay Enzo na hindi mo kailangan mag-worry, hindi mo kailangan matakot and mag-alala kasi lagi akong nandito para sa kanya,” saad naman ni Michelle. “And hindi mauulit ‘yung nangyari sa kanya before,” ani pa niya.

“‘Yun talaga ‘yung lagi kong ina-assure sa kanya. ‘Yung mga nangyari sa past mo, hindi ‘yun mauulit. And lagi ako nandito for him,” dagdag pa niya.