• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon ng billboard si Ara Mina sa Amerika.

Ara Mina nasa billboard ng Times Square sa New York

Hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon ng billboard si Ara Mina sa Amerika.

Ara Mina nasa billboard ng Times Square sa New York-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/31/2022 08:50 PM
Ara Mina nasa billboard ng Times Square sa New York
Photo credits: @therealaramina on Instagram

Makikita ngayon ang digital billboard ng aktres na si Ara Mina sa sa Times Square sa New York City.

Ayon kay Ara, pangalawang beses na niyang magkaroon ng digital billboard sa Amerika.


“Ang first ko nung 1999 pa, sa Las Vegas sa Bellagio Hotel. May concert kasi kami noon nina Martin Nieverra at Tito Bert Nievera,” ani Ara sa aming chat conversation.

“Tapos ito ngang sa Times Square sa New York. Sayang nga lang wala ako dun para nakapagpa-picture ako like dun sa Bellagio sa Las Vegas,” dagdag pa niya.

Ikinatuwa ni Ara at ng mister niyang si Dave Almarinez ang makita na nakabalandra ang mukha niya sa billboard ng Times Square. Nag-post din ang aktres ng isang short clip sa kanyang Instagram account about it.

READ: Ara Mina binigyan ng intimate surprise birthday dinner ang asawang si Dave Almarinez

“Siyempre sobrang happy kami pareho. Si Dave very proud. Parang hindi rin ako makapaniwala,” sey ni Ara.

Caption pa niya: “Who would’ve thought this day will come? This is the NEW YORK TIMES SQUARE! Oh my! My billboard for @musafabric_by_joysoo is now up at NYC’s famous landmark! Thank you Lord! [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Nakasuot ng Filipiniana dress ang aktres na gawa sa Musa Fabric ni Joy Soo.

READ: Ara Mina, husband mark first anniversary as a married couple

Anyway, may bagong movie nga pala si Ara na streaming na ngayon sa AQ Prime bilang Halloween offering. Ang title ng pelikula is Katok na mula naman sa direkson ni Joven Tan.