• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin naman ni Akihiro Blanco na naisantabi niya ang kanyang pag-aaral dahil sa showbiz.

Akihiro Blanco, binalikan kung paano nagsimula sa showbiz

Inamin naman ni Akihiro Blanco na naisantabi niya ang kanyang pag-aaral dahil sa showbiz.

Akihiro Blanco, binalikan kung paano nagsimula sa showbiz-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/31/2022 06:57 PM
Akihiro Blanco, binalikan kung paano nagsimula sa showbiz

Sampung taon na sa showbiz industry ang Filipino-Japanese actor na si Akihiro Blanco na produkto ng reality show na Artista Academy ng TV5 noong 2012.

Hindi inakala noon ng binata na papasukin niya ang pag-aartista dahil wala naman daw siyang interes dito.

Kuwento niya: “Tina-try ko lang nung una. Sumubok lang ako sa audition hanggang napasama sa Top 6. Pero wala talaga akong kumpyansa sa sarili ko. Nahihiya pa ako noon, eh.”


“Parang hindi pa ako ready nung time na ‘yun. Pero kung nandoon ka, wala ka na magagawa, eh. Kailangan mo na lang galingan,” dagdag pa niya.

Nasa ibang bagay daw ang kanyang interes tulad ng sports at internet gaming.

“Sa sports talaga yung interes ko. Work out, laro, play station, mga video games. ‘Yun ‘yung 16 years old na Aki. ‘Yan ‘yung pinagkaka-abalahan ko – e-sports and sports na physical,” aniya.

Eh kailan ba niya nagsimulang mahalin ang caft ng acting?

“Nang tumagal nang tumagal, after ng Artista Aademy, doon ko na minahal ‘yung craft na ’to, ‘yung mundo ng showbiz, ‘yung pagiging actor. Sobrang naging passion ko na siya,” saad niya.

At dahil napamahal na nga sa kanya ang showbiz kaya naisantabi muna niya ang pag-aaral.

“Masyado kasing naging busy. Naging tuluy-tuloy ang trabaho. Hindi na ko nakatapos. Pero baka kumuha ako ng… after ng lahat ng pinagkaka-abalahan ko. Tina-take ko lang talaga ‘yung chance kasi once-in-a-lifetime lang ito,” dahilan niya.

“I’m happy for the past 10 years. Para po sa akin… lahat po kasi ng mga ginawa ko tinodo ko talaga. I’m very proud sa mga ginawa kong movies, kahit mga series lang or episodes. Lahat ‘yun, ano sa akin ‘yun, milestone ‘yun sa career ko,” proud na pahayag  ni Akihiro.

Kabilang sa mga movie projects na nagawa ni Akihiro ay ang Mga Alaala Ng Tag-ulan, Frenemies In Love, This Time I’ll Be Sweeter, Happy Breakup, Born Beautiful at Immaculada: Pag-ibig ng Isang Ina noong 2019 kasama si Ara Mina.

Sa telebisyon naman ay isa siya sa cast noon ng The Killer Bride at madalas ding maging guest sa Maalaala Mo Kaya.

Si Akihiro ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Management at may plano ang kumpanya na i-build-up siya bilang future leading man.

“Marami na rin po kasing mga independent film before na talagang naghubad na ako, nakipag-ano na ako sa mga ibat ibang characters. Ngayon parang gusto ko po muna … for me, gusto ko muna bumalik sa mga love story, mga romantic comedy,” huling pahayag ni Aki.