• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging emosyonal ang ina ni Ogie Alcasid na si Nanay Minnie dahil sa sorpresa nito para sa kanya.

Ogie Alcasid, sinorpresa ang kanyang ina ng brand new na sasakyan sa ika-90 na kaarawan nito

Naging emosyonal ang ina ni Ogie Alcasid na si Nanay Minnie dahil sa sorpresa nito para sa kanya.

Ogie Alcasid, sinorpresa ang kanyang ina ng brand new na sasakyan sa ika-90 na kaarawan nito-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/29/2022 05:08 PM
Ogie Alcasid, sinorpresa ang kanyang ina ng brand new na sasakyan sa ika-90 na kaarawan nito
Photo credit: @ogiealcasid Instagram

May malaking sorpresa si Ogie Alcasid para sa kanyang Nanay Minnie sa ika-90 na kaarawan nito.

Hindi maikakaila ang pagmamahal ni Ogie sa kanyang ina na si Nanay Minnie. Kaya naman sa pagdiriwang nito kamakailan ang kanyang ika-90 na kaarawan, sinigurado ni Ogie na makakaatanggap ang kanyang ina ng isang espesyal na regalo mula sa kanya.  

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng It’s Showtime host ang litrato mula sa eksaktong sandali kung saan iniabot niya kay Nanay Minnie ang kanyang maagang regalo.  


READ: Ogie Alcasid ‘flexes’ wife Regine Velasquez: ‘Ganyan siya kasimple at maalagain’

Tila naging emosyonal naman si Nanay Minnie nang mataggap ang kanyang regalo mula sa kanyang anak. 

“Mommy receives her early birthday present for her 90th. Love you so much ma,” ani Ogie sa caption ng kanyang Instagram post. 

Tingnan ang litrato sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

 

Samantala, binati naman si Nanay Minnie ng ilan sa mga kaibigan ni Ogie sa industriya gaya nina Dingdong Avanzado, Manilyn Reynes, Janno Gibbs Melai Cantiveros, pati na ang mga kapwa hosts nito sa It’s Showtime na sina Kim Chiu, Jugs Jugueta, at Ryan Bang. 

“Awww… Happy birthday Tita Minnie. Such a blessing to have reached that age. May God continue to bless you always,” saad ni Dingdong Avanzado. 

“Happy Birthday po!” ani Manilyn Reynes.” 

“Wow! Happy Bday mommy,” saad naman ni Janno Gibbs. 

READ: Ogie Alcasid, pumalag sa mga nagsasabing ‘husband of Regine’ lang siya

“Wow!!!!!❤️❤️❤️ happy birthday nanay!” ani Kim Chiu. 

“Awwwww happy birthday po tita,” pagbati naman ni Ryan Bang.