• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na aniya si JM De Guzman na pumasok sa isang relasyon.

JM De Guzman, nilinaw ang real score sa kanila ni Donnalyn Bartolome

Handa na aniya si JM De Guzman na pumasok sa isang relasyon.

JM De Guzman, nilinaw ang real score sa kanila ni Donnalyn Bartolome -Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/29/2022 10:48 AM
JM De Guzman, nilinaw ang real score sa kanila ni Donnalyn Bartolome

Binigyang linaw na ng aktor na si JM De Guzman ang tunay na kaniyang nararamdaman para sa social media personality na si Donnalyn Bartolome.

Sa panayam ng PUSH at piling miyembro ng entertainment press, inamin ng Kapamilya actor ang kaniyang paghanga para kay Donnalyn na inilarawan niyang isang mabuting tao.

“Very close friends po,” ani JM.


Kasunod ito ng tila closeness nila ni Donnalyn matapos siyang bigyan ng isang surprise birthday party nito na dinaluhan ng kaniyang malalapit na kaibigan.

READ: JM de Guzman, sinorpresa ni Donnalyn Bartolome

“Umaasa po ako… Isa po niya akong taga-hanga mayroon akong gusto sa kaniya,” nakangiting sambit ng aktor.

Aniya, bukod sa kagandahang loob ni Donnalyn, ang kagandahan na pisikal ng social media personality ang isa sa kaniya rin na hinangaan dito.

“Sobrang bait. Sobrang telegenic, sobrang headstrong, wise, responsible, and independent”

Ayon sa Kapamilya actor, hindi pa aniya inaamin ng personal sa social media star ang kaniyang tunay na pagtingin para dito.

“Ngayon alam na niya,” nakangiting tugon ng aktor sabay sundot ng, “Ngayon malalaman na niya.”

Hindi man lantaran sa publiko, ibinahagi rin ng aktor na ipinaparamdam na niya kay Donnalyn ang kaniyang paghanga dito.

“Nagpaparamdam paramdam,” nang tanungin kung paano niya nais sabihin kay Donnalyn ang kaniyang pagtingin dito.

Nang tanungin kung handa na nga ba siyang pumasok sa isang relasyon, isa lang ang sinagot ng aktor: “Siguro. Oo naman, matagal-tagal na rin akong walang ka relasyon.”

Paglilinaw rin ni JM, humahanga pa lamang siya kay Donnalyn at masasabi rin na inspirado siya sa kaniyang trabaho ngayon.

“Hindi pa siguro ready mag settle down, pero focus muna ako sa career,” ani JM sabay sundot ng: “Humahanga lang naman ako kagaya nila (ng mga fans).”

Speaking of trabaho, back to work na muli ang aktor sa upcoming show ng Dreamscape Entertainment na Linlang kung saan kasama niya sina Kim Chiu, Paulo Avelino, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano. 

Ayon kay JM, ito ang unang beses na makakasama niya sa proyekto ang mga co-star ng upcoming Kapamilya series.

“Kinakabahan po kasi nang una kasi first time ko po sa Dreamscape, first time ko po makaka-trabaho sina Paulo Avelino, Kim Chiu sa movie pa lang sa teleserye, first time tapos si Ms. Maricel Soriano rin.”

Ramdam ng aktor ang kaba sa bagong proyekto na kinabibilangan ng mga bigating bituin.

“Oo naman po, kinakabahan po,” ani aktor.

Gaya ng maraming bituin na sasabak sa panibagong proyekto, aminado ang aktor na may pressure rin sa kaniya na gagampanan ang kanyang karakter.

“Lagi naman pong may pressure kapag may bagong teleserye, simula pa lang kasi ang istorya nag-di-demand lagi ng mabigat na responsibilidad for us actors.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by TERA (@musicallytera)

Nakapanayam ng entertainment press ang aktor sa launching ng rising singer-songwriter na si Tera kung saan ibinahagi nito ang kaniyang newest single na “Higher Dosage”.