• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang pang pangarap ni Herlene Budol ang nabigyang katuparan.

Herlene Budol, tampok sa malaking billboard sa EDSA

Isang pang pangarap ni Herlene Budol ang nabigyang katuparan.

Herlene Budol, tampok sa malaking billboard sa EDSA-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/29/2022 09:34 AM
Herlene Budol, tampok sa malaking billboard sa EDSA
Photo credit: @herlene_budol Instagram (L)

Higanteng digital billboard sa kahabaan ng EDSA ang sumalubong sa social media personality turned beauty queen na si Herlene Nicole Budol.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Si Herlene ang brand ambassador ng isa sa mga partner denim apparel brand ng Binibining Pilipinas kung saan siya sumali at napili bilang Jag Queen.


READ: Herlene Budol, hakot awards sa Binibining Pilipinas 2022

At sa naging panayam ng PUSH at piling miyembro ng media, bakas sa mga mata ni Herlene ang saya nang personal niyang makita ang giant digital billboard sa EDSA na dinaraanan ng naraming Pilipino sa araw-araw.

“Tuwang tuwa po ako ang layo palang po kitang-kita ko na po e’. Akala ko nga po tarpaulin lang. Dati na malaki ‘yung panagarap ko lang po billboard na tarpaulin na malaki, pero eto gumagalaw pa po o’, hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin tapos sa may EDSA pa!” emosyonal na sambit ni Herlene.

Ayon sa social media personality turned beauty queen, maliliit na tarpaulin lamang noon sa mga tagong lugar ang kaniyang mga advertising deals kaya naman hindi niya lubos akalain na isang katuparan sa kaniyang mga pangarap ang muling natupad.

“Maraming salamat po kina boss Vicky at sa lahat ng mga bumubuo ng Jag, tinupad ninyo ang pangarap ko, sobra pa po sa dream ‘yun,” ani Herlene. “Ang galing po ng plano ng Panginoon po sa akin, wala po akong pina-plano sa lahat ng ‘to, kaya nakakagulat po talaga na isa po ako sa mga namulat na sinuwerte na matupad po ang pangarap at iparanas po sa akin na masaya po ang buhay, sobrang saya ko po.”

Bukod sa nag-uumapaw na kasiyahan, isa sa pinagpasalamatan ni Herlene ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated na tila naging tulay sa mga bagong oportunidad na kaniyang natatanggap ngayon.

“Eto isa rin po isa sa dapat ko rin pasalamatan ang Binibining Pilipinas po, kase una sa lahat, sila po ang naging steppingstone ko po para matupad pa po ang ibang mga pangarap ko na puwede pa palang mangyari sa akin. At kung hindi rin po dahil sa kanila, hinding hindi rin po ako mananalo ng Jag Queen, hindi rin po ado magkakaroon ng billboard, hindi rin po ako makakalaban sa Miss Planet International, at marami rin pong opportunity ang ibinigay po sa akin ang Binibining Pilipinas.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Suportado rin si Herlene ng Binibining Pilipinas sa kaniyang gagawing laban para maging unang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda, Africa.

Ayon kay Herlene puspusan man ang kaniyang paghahanda para dito aminado siyang kabado siya sa kaniyang gagawin na laban.

“Sa katapusan na po aalis na po ako at sana po palarin. Nakakatakot pong dumayo kasi ang expectation po ng mga tao sa akin dito, ay ma-disappoint ko po sila pero gagawin ko po ang dapat kong gawin para pag-uwi ko with crown po,” sambit niya.

READ: Herlene Nicole Budol is Miss Planet Philippines

Hiling lang ni Herlene na suportahan siya ng mga kababayan niya. “Sana po suportahan po ako ng mga kababayan po natin.”

Unti-unti man nabibigyang katuparan ang mga pangarap ni Herlene, isa lang aniya ang tila naging panuntunan niya sa kaniyang sarili mula sa kaniyang mga pinagdaanan sa buhay.

“Ang napagtanto ko lang po, kapag maraming problema, marami rin solusyon. Kasi hindi naman po talaga ibibigay sa inyo ang problema kung hindi mo kayang solusyunan, kaya para sa akin, isang problema, 100 times ang solusyon po nun.”

Babiyaheng Uganda si Herlene para sa coronation night ng Miss Planet International ngayong November 19. Kung papalarin, si Herlene ang unang Filipina na makakapag-uwi ng titulo sa nasabing pageant organization na nagsimula noong 2007.