• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Eduard Bañez, nag-apply na rin siya ng refugee status sa Amerika.

Former Star Magic artist Eduard Bañez hindi makauwi ng Pinas dahil sa green card issue

Ayon kay Eduard Bañez, nag-apply na rin siya ng refugee status sa Amerika.

Former Star Magic artist Eduard Bañez hindi makauwi ng Pinas dahil sa green card issue-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/29/2022 12:12 PM
Former Star Magic artist Eduard Bañez hindi makauwi ng Pinas dahil sa green card issue

From time to time ay nakikibalita kami kay Eduard Bañez, dating Star Magic Batch 15 artist na iniwan ang showbiz career sa Pilipinas para makasama ang pamilyang naninirahan sa Amerika. Ayon sa singer at Nickelodeon star, gustong-gusto na niyang umuwi ng Pilipinas.

Ilang taon na rin kasi siyang nananatili sa USA at gusto niyang bumalik ng bansa dahil nami-miss na niya ang showbiz at ang naiwang career.

“Siguro as an artist, mami-miss mo talaga the things that you really love doing. Ako talaga, I want to entertain people. Masaya ako do’n.


“And in our industry, alam mo naman, parang hindi kasi tayo nagwo-work, di ba? Kumbaga, we’re just having fun at yon ang sobra kong nami-miss,” pahayag ni Eduard in an online interview via Facebook messenger.

BASAHIN: Star Magic artist Eduard Banez plans to revive singing career in PH; reveals working on new Nickelodeon series

Kaya lang, may naging problema sa planong pag-uwi ni Eduard sa Pinas. Kinuha ng USCIS or United States Citizenship and Immigration Services ang luma niyang green card at hinihingan siya ng requirements na kung ano-ano.

Ayon pa kay Eduard, nag-apply na rin siya ng refugee status sa Amerika pero hindi pa siya nabibigyan ng appointment para ma-interview ng judge dahil kailangan daw munang ayusin niya ang problema sa USCIS.

“I am hurt waiting for my green card to be released. Besides that, I have to get my interview with the judge. When my parents, who are both American citizens, heard about this predicament, they consulted a lawyer regarding my problem with USCIS,” kuwento niya.

"Yung green card ko, kinuha tapos tinatakan lang ako ng temporary green card. Paano ba naman ako makakauwi sa ginagawa nila sa akin na ito?” malungkot pa niyang sabi.

Every three months ay bumabalik daw siya sa USCIS para tatakan ang kanyang passport at ikinalulungkot niya ito dahil feeling daw niya ay nade-discriminate siya.

Isa pang hindi magandang karanasan ni Eduard sa US ay nang makuryente siya at ilang kasamahan sa pinagtatrabahuhan nilang theme park sa US.

Nagreklamo sila at pagkalipas ng ilang taon ay pinadalhan lang sila ng notice class action settlement for employees.

Si Eduard ay ka-batch niya sina Bela Padilla, Jessy Mendiola, at Megan Young. Hanggang sa mapasok siya sa newscasting at nagtrabaho sa isang TV network.

Nabigyan din siya ng chance na maging co-anchor sa isang teleradio show kasama ang singer-comedian at TV host na si Arnell Ignacio.

Taong 2015 nang iwan ni Eduard ang gumaganda na sanang career niya sa Pilipinas para makasama ang pamilya na nasa US. Sa ngayon, ang tanging hangad ni Eduard ay makauwi na ng Pilipinas kaya hoping siya na matapos na ang problema niya sa kanyang green card.

“I want to produce concerts and bring foreign artists to the Philippines. Isa yon sa plano kong gawin when I get back,” pahayag pa ni Eduard.