• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ka rin ba sa nahumaling na sa mga karakter nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ‘2 Good 2 Be True’?

‘2 Good 2 Be True’, posible bang magkaroon ng season 2?

Isa ka rin ba sa nahumaling na sa mga karakter nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ‘2 Good 2 Be True’?

‘2 Good 2 Be True’, posible bang magkaroon ng season 2?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/28/2022 12:54 PM
‘2 Good 2 Be True’, posible bang magkaroon ng season 2?

Down to last three weeks na lang ang 2 Good 2 Be True na Kapamilya series na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa naganap na finale media conference, sinagot ng direktor nito na si Mae Cruz-Alviar kung posible pa ba na ipagpatuloy ng love story nina Eloy (role ni Daniel) at Ali (role ni Kathryn) na mainit rin sinusubaybayan sa iba’t ibang streaming platform.

“Mahirap magpaalam,” bungad ng direktor sa naganap na media conference. “Mahirap kasi kumbaga sa relasyon, okay naman kayo at masaya naman kayo and then why end something good. But then ‘di ba?” patuloy ng direktor. 


Thankful rin aniya sila sa pagsubaybay ng maraming maununuod na dahilan para ma-maintain ng programa ang number one spot sa Top 10 TV shows in the Philippines sa Netflix.

“Maganda that you end with a bang, you end on the high note rather than stretch mo ng stretch, tapos mararamdaman rin naman kasi ng audience ‘yun. And it’s good that na max out namin, kumbaga, sapat siya. Puwede pa-puwede pa, pero it’s better if we end it here habang masaya pa at parang hindi pa stretch.”

Ayon pa sa direktor, aware siya sa panawagan ng 2 Good 2 Be True fanatics na i-extend pa ang kuwento at magkaroon ng season 2 ang Kapamilya program.

“We’re very happy that people seeing that, and we are very happy and nakakataba ng puso kapag sinasabi na puwede pang mag-extend, puwede pa sana. Pero right now, at this point, this is where it should end and masaya kami na we’re ending on a high note.”

At tulad ng maraming viewers ng programa na napamahal na sa Kapamilya series, napamahal na rin sa mga lead stars na sina Kathryn at Daniel sa mga co-stars nila.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Parang kailan lang, ang bilis ng panahon siguro dahil masaya kami lahat hindi namin napansin ‘yung… isang taon rin tayo tumakbo ano ‘di ba, Direk? Isang taon rin napakabilis kapag galagang nag-e-enjoy ka no, pero I am very thankful grabe,” ani Daniel.

Dahil sa bagong sistema ng lock-in tapings, inamin ni Daniel na mas napalapit sila sa isa’t isa.

“Pinag-uusapan nga namin na parang isa ‘to sa mga shows na natapos na parang stressed na stressed ka, kasi napaka-sarap gawin ng show na ito and I think, lumalabas naman sa screen ‘yung chemistry namin. Kagaya nga ng sinabi noon ni Ms. Gelli (de Belen) na kahit na hindi naman niya nakakasama sa eksena ay talagang sobrang close, so talagang ‘yun ang bond namin ng cast at ng staff namin. Ayun ang ma-mimiss ko dito,” paliwanag ni Daniel.

Ramdam man ang sepanx (Separation Anxiety) sa pagtatapos ng kanilang programa, naniniwala naman si Kathryn na sapat at naibigay nila ang kanilang best sa bawat episode na ibinahagi nila sa mga manunuod.

“Ayun kasi ang nakalagay sa kontrata sa Netflix na iki-nomit, 130 episodes so we can’t extend and as much as we want to extend it kasi nga mayroon kaming magandang show, lahat, every story kailangan mag-end,” paliwanag ni Kathryn.

Aniya, naniniwala rin siyang magandang ending ang dapat na mapanood ng viewers dahil sa siksik at detalyadong pagbuo nila ng magtatapos na programa.

“The viewers now are very smart so alam na nila kapag pinilit na lang, kapag pinapahaba mo na lang for the sake of filling the episodes. So I think ito, ‘yung 130 episodes are enough kasi nakita ang journey ng lahat characters, nakita ang flashback ng mga back story and all na itinahi sa present story time so ‘yun.”

Patuloy pa ng Kapamilya acress: “Mahirap bitawan ang show sa totoo lang kasi lalo ngayon, gamay na namin ang isa’t isa jive na lahat but then ayaw namin ipilit and I think ‘yun eto na ‘yun e, so you just watch for the finale and you will see kung ano ang sinasabi ko na it’s enough na talaga.”

Patuloy na napapanood ang 2 Good 2 Be True sa iWantTFC, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Netflix.