• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagtrabaho bilang waitress sa isang bar si Herlene Budol sa edad na 17 anyos.

Herlene Budol, binalikan ang pagiging waitress noon sa isang bar: ‘Natutulog ako sa school’

Nagtrabaho bilang waitress sa isang bar si Herlene Budol sa edad na 17 anyos.

Herlene Budol, binalikan ang pagiging waitress noon sa isang bar: ‘Natutulog ako sa school’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/26/2022 09:23 AM
Herlene Budol, binalikan ang pagiging waitress noon sa isang bar: ‘Natutulog ako sa school’
Screenshot from Luis Manzano YouTube Channel

Ibinahagi ni Herlene Budol, aka Hipon Girl, ang kanyang pagsubok na pinagdaanan bago nakamit ang kanyang pangarap.  

Sa panayam ni Herlene sa online show ni Luis Manzano na Luis Listens, binalikan ng ngayo’y beauty queen ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay. Isa na dito ang pagtatrabaho bilang isang waitress sa edad na 17 anyos. 


“Ako natutulog kasi ako sa school dati. Kasi galing ako ng trabaho tapos doon ako natutulog sa school. Kaya siguro depende sa teacher natin o sa pangalawang magulang natin kung paano tayo mamandohan.

READ: Herlene Budol on what she learned after joining Binibining Pilipinas: ‘Napaka priceless ang feeling!’

“Papasok ako alas singko ng hapon tapos uuwi ako ng alas singko ng umaga. Ang pasok ko sa school, alas siyete. Hindi na ako uuwi. Dadaan na ako sa school tapos aantayin ko na magliwanag,” dagdag pa niya. 

Pumapasok din umanong lasing si Herlene dahil kailangan niyang uminom para pandagdag kita dahil nakakakuha umano siya ng tip mula sa mga customers tuwing shuma-shot siya. 

“Waitress pa ako nun. Lasing pa ako nun. Kapag shuma-shot ka kasi, may tip eh,” aniya. 

Nang tanungin ni Luis kung anong klaseng bar ang pinatatrabahuhan niya, sagot nito: “’80s bar sa may mga Amerikano.” 

Binalikan din ni Herlene ang pagkakataon na nabigyan siya ng oportunidad na magkaroon ng sariling bahay. 

“‘Yung Lolo ko umiyak kasi hindi na nga po namin makakasama ‘yung Lola namin. Pero sa pamilya ko, sa buong buhay namin ngayon lang kami nagkaroon ng kisame. Ayun ‘yung problema ko dati eh,” aniya. 

READ: Herlene Budol on becoming a beauty pageant contestant: ‘Masaya na may halong kabado ang Hipon Girl nyo!’

“Mayroon ‘yan mga kalde-kaldero tapos mga arinola nakasabit na sa bubong namin ‘yan,” dagdag pa niya. 

May mensahe din na ibinigay si Herlene sa mga gaya niya na nangangarap lang sa buhay. 

“Sa may mga talent, dapat kapalan niyo ang mukha niyo kasi mayroon akong mga kakilala, napakalulupit kumanta, napakalulupit sumayaw pero nahihiya sila,” ani Herlene. 

Pagpapatuloy pa niya: “Ako nga hindi ako marunong kumanta, hindi ako marunong sumayaw. Kapal lang ng mukha ang puhunan. Kailangan i-push niyo ‘yung mga talent niyo.” 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, sasabak naman si Herlene sa nalalapit na Miss Planet International 2022 kung saan lilipad siya papuntang Uganda sa darating na Nobyembre.