• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay direk Joel Lamangan, walang halong pulitika ang kanyang bagong pelikula.

Direk Joel Lamangan nilinaw na ang ‘Oras de Peligro’ ay hindi sagot sa ‘Maid In Malacanang’

Ayon kay direk Joel Lamangan, walang halong pulitika ang kanyang bagong pelikula.

Direk Joel Lamangan nilinaw na ang ‘Oras de Peligro’ ay hindi sagot sa ‘Maid In Malacanang’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/26/2022 04:24 PM
Direk Joel Lamangan nilinaw na ang ‘Oras de Peligro’ ay hindi sagot sa ‘Maid In Malacanang’

Nilinaw ng veteran director na si Joel Lamangan na hindi sagot sa pelikulang Maid In Malacanang na idinirek ni Darryl Yap ang gagawin niyang pelikula na ang title ay Oras de Peligro.

“Hindi po ito sagot sa Maid In Malacanang. Wala po akong intensyon na sagutin ang Maid in Malacanang. Ito po ay pelikula na nangyari nung 1986, nung apat na araw ng Pebrero 1986 bago ang rebolusyon sa Edsa,” paliwanag ni Direk Joel sa ginanap na storycon ng pelikulang ipo-produce ng Bagong Siklab Productions.

Wala na rin daw siyang magagawa sakaling isipin ng iba na may gusto siyang sagutin kaya niya gagawin ang bagong project.


“Gusto ko lang sabihin na ang purpose sa paggawa nitong Oras de Peligro ay hindi para sagutin ang kung anuman,” muling pagdidiin ng direktor. “Bahala sila sa iisipin nila, kung yon ang gusto nilang isipin.

BASAHIN: Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos, at Nora Aunor nakatikim ng talak noon kay Direk Joel Lamangan

“Pero sinasabi ko nang paulit-ulit na hindi ito sagot sa Maid In Malacanang. Walang ganun. Hindi ko siya sinasagot,” muli niyang paglilinaw.

Nagbigay din kaagad ng reaksyon ang multi-awarded director sa posibleng sabihin ng iba na baka may nire-represent ng political colors ang bago niyang proyekto. Aniya, hindi daw para sa mga tinatawag na Dilawan or Pinklawan ang Oras de Peligro.

Katwiran niya, “Ang pelikulang ito hindi ito pink, hindi ito dilaw, hindi ito pula.  Ito’y kayumannggi!

“Itong pelikulang ito ay hindi nagsasabi ng kung anumang masama laban sa kasalukuyang administrasyon—walang ganun. Hindi ito nagsasabi ng anumang sama ng nakaraang administrasyon—wala.

BASAHIN: Joel Lamangan calls out younger directors: ‘Mga bago pa lang mayayabang na’

“Ang sinasabi lamang ng pelikulang ito ay kung ano ang totoong nangyari nung 1986 sa punto de bista ng isang simpleng pamilya. Yon lamang ang sinasabi dito. Wala kaming kulay-kulay,” dagdag niyang paliwanag.

“Ako, rainbow. Rainbow ang kulay ko!” hirit pa ng direktor kaya biglang nagtawanan ang showbiz press at artista na kasama sa storycon.

Samantala, bida sa Oras de Peligro sina Allen Dizon at Cherry Pie Picache.