• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Catriona Gray sa mga tumutok sa naganap na Miss Grand International beauty pageant kung saan lumban si Roberta Tamondong.

Catriona Gray, may panghihinayang sa Top 20 performance ni Roberta Tamondong sa Miss Grand International

Isa si Catriona Gray sa mga tumutok sa naganap na Miss Grand International beauty pageant kung saan lumban si Roberta Tamondong.

Catriona Gray, may panghihinayang sa Top 20 performance ni Roberta Tamondong sa Miss Grand International-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/26/2022 11:35 AM
Catriona Gray, may panghihinayang sa Top 20 performance ni Roberta Tamondong sa Miss Grand International
Photo credit to @catriona_gray and @roberta.tamondong Instagram

Bigo ang Pinay beauty ng San Pablo, Laguna na si Roberta Angela Tamondong na mai-uwi ang first ever crown para sa Pilipinas sa nagdaang Miss Grand International beauty pageant sa Bali, Indonesia.

Si Tamondong ang pambato ng Pilipinas para sa 10th edition ng Thailand-based beauty pageant kung saan lumaban sina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo na kapwa nasungkit ang first runner-up placing.

Hindi man pinalad sa kaniyang laban, pinuri naman ng Pinoy pageant fans ang naging performance ng Pinay beauty na nagbigay ng magandang performance sa kaniyang laban.


Preliminary competition pa lang, nagpamalas na ng kaniyang husay ang Pinay beauty na na talagang nagpahanga sa mga pageant fans around the world.

Hindi rin nagpa-awat ang Pinay beauty na mas paghusayan pa ang kaniyang performance sa naganap na coronation night nitong October 25.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Isa rin sa tumutok sa pageant ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na pinuri ang performance ni Roberta sa comment section ng pageant page na Titas of Pageantry.

“Haaay, She deserved so much better, performed sooo well. I’m so proud,” na sinundan ni Gray ng sad and pink heart emoji.

Catriona Gray, may panghihinayang sa Top 20 performance ni Roberta Tamondong sa Miss Grand International

Matatandaan naman sa naganap na send-off party noon ng Binibining Pilipinas para sa Pinay beauty, nakapanayam ng PUSH si Roberta at nanawagan ito nang karagdagang suporta at pagkakaisa para sa kaniyang laban sa Miss Grand International.

“This is a time for us to merge and also be kind and spread positivity.”

READ: Miss Grand PH Roberta Tamondong, may pakiusap sa Pinoy pageant fans

Sa ngayon, kasalukuyan na nasa Bali, Indonesia ang Pinay beauty at inaasahan ang pagbabalik Pilipinas sa mga susunod na mga araw.