• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bables, masaya na pinagkakatiwalaan na gumanap ng mga kakaibang karakter.

Christian Bables beki na naman sa bagong movie: ‘Hindi ako naniniwala sa typecasting’

Christian Bables, masaya na pinagkakatiwalaan na gumanap ng mga kakaibang karakter.

Christian Bables beki na naman sa bagong movie: ‘Hindi ako naniniwala sa typecasting’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2022 10:39 AM
Christian Bables beki na naman sa bagong movie: ‘Hindi ako naniniwala sa typecasting’

Pangkaraniwan na lang para sa award-winning actor na si Christian Bables ang laging pagdudahan ang kanyang gender every time na magpo-portray siya ng gay role sa pelikula.

“Ay oo. Lagi po,” natatawang reaksyon ni Christian sa ayaw mamatay-matay na gender issue.

Ang aktor ay muling bibida sa pelikulang Mahal Kita Beksman ng IdeaFirst at Viva Films na mula sa direksyon at script ni Perci Intalan. As expected, gay role na naman ang karakter niya dito, pero kakaiba naman daw ito kumpara sa mga nauna niyang naging character.


“May mga tao nga nagsasabi, ’Ay si Christian Bables typecasted na, yung mga ganun-ganun.’ But ako kasi, bilang isang actor hindi ako naniniwala sa typecasting, eh,” katwiran niya.

Dagdag pa niya, “Although dumaan ako do’n sa phase na yon na natakot ako na baka hindi na ako mabigyan ng mga ibang mga karakter na alam kong kaya ko pang gampanan, pero habang nagma-mature ako dito sa industriya parang na-realize ko na there’s no such thing as typecasting pagdating sa mga aktor.

“For as long as binibigyan ka ng mga makabuluhang karakter na puwede kang makatulong through your craft I think yon ang main na objective namin bilang mga actors. So kahit na ipis o tutubi pa yang role na yan, game lang.”

BASAHIN: Christian Bables, nagdesisyong iwanan ang Pinas para magtrabaho sa Amerika bago nakasali sa MMFF

Eh, bakit nga ba iba ang karakter niya dito kumpara sa Die Beautiful, The Panti Sisters, at Big Night?

“Well, ang pinakamalaking pagkakaiba dahil ang sexual orientation ni Dali dito ay straight. He identifies himself as straight guy. Yung kanyang expression yon lang yung parang wala don sa standards na nakaugalian ng society natin na kailangan pag lalaki ka dapat ganito ka. Na pag you’re gay, eto ka dapat.

“So labas kasi don yung karakter ni Dali kaya nung in-offer sa akin ito sabi namin ni Tito Boy (Abunda), ‘Ang ganda nito, gawin natin.’ Ang ganda nung script, ang ganda nung gustong iparating nung kwento,” saad pa niya.

Sa kasalukuyan ay si Christian na yata ang may hawak ng pinakamaraming gay roles na nagampanan sa pelikula.

“Masaya ako sa ganun kasi isang tao lang ang naiisip ko—si Tito Dolphy,” reaksyon ng aktor. “Kumbaga, parang before kung iniisip ko, Oh my gosh, nakakatuwa naman yung nangyayari sa akin.

“Kasi pinagkakatiwalaan ako nung mga karakter na tingin daw nung mga tao—pero hindi po nanggaling sa ‘kin ito—pero tingin daw nung mga taong gumagawa nung project na yon na parang iilan lang kami na merong lakas ng loob, buong puso sa paggawa ng mga ganung karakter.

“I feel so honored na ako po isa sa napagkakatiwalaan nila. And I’m excited on what about to happen in the future, kung saan ako dadalhin ng karerang ito,” pahayag pa ng aktor sa PUSH.

BASAHIN: Christian Bables reveals how he started in acting: ‘Wala akong pambayad ng workshops’

May mga future gay roles pa ba siyang gagawin in the near future?

“Sa ngayon wala pa ulit. Puro mga straight characters yung susunod ko pero I am sure if ma-offeran ulit ako ng mga ganitong klase ng role ay game yan, game ulit yan,” huling pahayag ng bida sa Mahal Kita Beksman na palabas sa mga sinehan sa November 16.