• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadawit na ang pangalan ng host na si Robi Domingo sa umano’y paninira ng vlogger na si Zeinab Harake.

Robi Domingo, nag-react nga ba sa komento ni Zeinab Harake tungkol sa kanya?

Nadawit na ang pangalan ng host na si Robi Domingo sa umano’y paninira ng vlogger na si Zeinab Harake.

Robi Domingo, nag-react nga ba sa komento ni Zeinab Harake tungkol sa kanya?-Ann Manhit
BY
Ann Manhit
Instagram: @annmanhit

FRESH SCOOPS

10/24/2022 04:14 PM
Robi Domingo, nag-react nga ba sa komento ni Zeinab Harake tungkol sa kanya?
Photo credit to @iamrobidomingo and @zeinab_harake Instagram

Sumabog sa social media kamakailan ang alitan sa pagitan ng mga vloggers.

Naglabas ng mga rebelasyon si Wilbert Tolentino ukol sa umano’y mga paninira ni Zeinab Harake tungkol sa mga kapwa vloggers at maging sa ilang mga celebrities. Kasama nga raw sa mga siniraan ni Zeinab ang host na si Robi Domingo. 

“Wag ‘yung Robi Domingo ha”, babala ni Zeinab sa screenshot na ibinahagi ni Wilbert. 


“Walang market dun,” dagdag pa niya. “Maloka ka dun. Shhh lang.”

Ikinagulat ng marami ang ganitong hirit galing kay Zeinab, lalo pa’t magkasama sila ni Robi bilang hurado kamakailan sa finale ng Miss Q & A. 

Agad namang ipinagtanggol si Robi ng mga followers niya. Payo pa nila sa host, huwag nang pansinin ang mga negatibong komento lalo pa’t napatunayan naman ni Robi na propesyunal at epektibo siya sa kaniyang trabaho. 

READ: Alitan ng vloggers na sina Zeinab, Toni, Wilbert at Sachzna, usap-usapan sa social media

May ilan namang nagsabing wala namang masama sa pagsasabi ni Zeinab ng sariling opinyon niya, at baka ang ibig sabihin lang nito ay hindi akma si Robi sa content at audience ni Zeinab. 

Duda naman ng ilan, umabot na ang usapin kay Robi at ang cryptic tweet nito kamakailan ang naging reaksyon niya sa pahayag ni Zeinab.

“Oh wow. How true?” tweet ni Robi. 

 

 

Sa Facebook Live ni Zeinab nitong Oktobre 23 ay mariing pinabulaanan ng vlogger ang umano’y paninira niya sa kapwa celebrities at vloggers. 

Hindi niya napigilang maging emosyonal at kwestiyunin ang paglabas ng mga ganoong rebelasyon ni Wilbert. 

“Bakit pinipilit ninyong palabasin na mukha akong masamang tao?” tanong ni Zeinab kay Wilbert. “Bakit hindi mo sinano lahat ng totoo?”

READ: Sachzna Laparan on Zeinab Harake, Angelica Yap: ‘Ayoko na ng toxic’

Sa nasabing Facebook Live ay agad ring humingi ng tawad si Zeinab sa mga ibang personalidad na nadawit sa alitan nila. 

“Sa mga artist po, pasensiya na,” paumanhin ni Zeinab. “Sobrang sorry-ng sorry-ng sorry. Sobrang sorry.”