• Home
  • Fresh Scoops
  • Gaganap si Keempee de Leon bilang transgender woman na ama ng actor na si Christian Bables sa nasabing pelikula.

Keempee de Leon balik-pelikula bilang transgender woman sa ‘Mahal Kita Beksman’

Gaganap si Keempee de Leon bilang transgender woman na ama ng actor na si Christian Bables sa nasabing pelikula.

Keempee de Leon balik-pelikula bilang transgender woman sa ‘Mahal Kita Beksman’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2022 12:27 PM
Keempee de Leon balik-pelikula bilang transgender woman sa ‘Mahal Kita Beksman’

Balik-pelikula si Keempee de Leon sa romance-comedy film na Mahal Kita Beksman ng Viva Films pagkatapos ng mahigit isang dekada na hindi siya  napanood sa pelikula. Isang parloristang transgender woman na ama ni Christian Bables ang karakter ni Keempee sa Mahal Kita Beksman. 

Bakit nga ba ngayon lang ulit siya gumawa ng pelikula?


“Basically, wala naman talagang offer,” pag-amin ng aktor. “And kumbaga, medyo nag-lie low din ang movie industry natin dahil mas nag-conentrate lahat sa TV, so most of the time na ginagawa ko puro soap, eh. 

“Ngayon  nga lang may nag-offer sa akin kaya it’s a big blessing for me na in-offer sa akin ito nina Direk Perci (Intalan ng IdeaFirst) at sana magdire-diretso na ulit. Imagine, ito ‘yung first time ko na gumawa ulit ng movie after a decade,” aniya.

“And it’s a good thing also na sa Viva rin siya kasi do’n din ako nag-start sa Viva, so after so many years dito ulit yung movie ko,” masayang reaksyon ng aktor sa ginanap na digital mediacon ng pelikula.

Dalawa sa malalaking teleserye ng ABS-CBN ang pinagkaabalahan ni Keempee habang hindi siya aktibo sa pelikula. Ito ay ang Nang Ngumiti ang Langit noong 2018 at Bagong Umaga noong 2020.

Ang huling pelikula naman kung saan lumabas si Keempee ay ang Iskul Bukol 20 Years After: The Ungasis and Escaleras Adventure noong 2012. Bida dito ang kanyang ama na si Joey de Leon kasama sina Tito Sotto at Vic Sotto.

BASAHIN: Keempee de Leon naglabas ng sama ng loob sa isang kapamilya: ‘Di man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa’

Saad ni Keempee: “Masaya ako na nabigyan ulit ako ng break mag-portray ng gay role sa movie at ini-enjoy ko talaga ‘yung character na gay role, eh. Kasi mas light siya, nalalaro mo ‘yung characters.”

“Hindi katulad sa drama, siyempre more on emotions, so medyo nade-drain ako kaya nag-enjoy talaga ako dito. Hopefully, sana this would be the start and sana meron pang mga susunod.”

Si Keempee ay may anak na babae na edad 25 kaya naging madali daw para sa kanya na gumanap na tatay ni Christian sa Mahal Kita Beksman.

“May daughter na po ako na 25 years old so I guess hindi na malayo ‘yun sa age ni Christian. ‘Yung anak ko nga, parang barkada ko na lang. 

“Minsan, napagkakamalang girlfriend ko kapag lumalabas kami. Sasabihin nila, ‘Sir, ang bata ng girlfriend mo.’ 'Hindi. Anak ko ‘yan’,” aniya.

“So, hindi na malayo kapag nagkakaroon ako ng mga anak na at the age of 20-plus up. Madali na ‘yung koneksiyon. At kami rin ni Christian, lagi kaming nag-uusap. Nagkukuwentuhan kami habang nag-aayos, walang patid ang connection namin,” pahayag pa 49-year-old actor.

BASAHIN: EXCLUSIVE: Keempee De Leon, balik-Kapamilya para sa bagong teleserye, ‘Nang Ngumiti ang Langit’

Mapapanood ang Mahal Kita Beksman sa mga sinehan sa November 16. Ito ay mula sa direksyon at panulat ni Perci Intalan.